Stone of Tears

stone_of_tears.jpg STONE OF TEARS by Terry Goodkind 

WIZARD’S SECOND RULE

The greatest harm can result from the best intentions.  It sounds a paradox, but kindness and good intentions can be an insidious path to destruction.  Sometimes doing what seems right is wrong, and can cause harm.  The only counter to it is knowledge, wisdom, forethought and understanding the First Rule.  Even then, that is not enough. (Prophet:  Nathan Rahl @ The Palace of the Prophets)

            Ang hirap din, kasi minsan ang nais talaga natin ay ang makatulong, ang maibigay ang ikaliligaya ng isang taong mahalaga sa atin tapos hahantong lang ito sa kamalian.  Naalala ko ang isang kaibigan ko na malayo sa kaniyang nobyo.  Umalis din ng bansa para makipagsapalaran.  Nakipanuluyan siya sa isang kamag-anak na may anak na nagbibinata.  Nais niyang mapalapit sa pinsan niyang ito kaya handa siyang ibigay lahat.  Nais lamang niya maituring na isang kapatid.  Humantong sa isang insidenteng nais niyang pagsisihan subalit huli na.  Pero ang tunay niyang hangarin, di din naman nabigyan ng katuparan, gaano man kabuti ang intensiyon niya, mali pa din ang katapusan.

 

Madalas, madami tayong ginagawa na wala tayong hinahangad kundi ang ikabubuti ng taong mahalaga sa atin, subalit lagi ay dapat nating isaalang alang ang katotohanan.. ang Wizard’s First Rule.  Maaring magkamali pa din tau gaano man ang ating pag-unawa, pero dito naman nahuhurno ang ating pagkatao, sa aral na natututunan natin sa mga pagkakamaling ating nagagawa.

   The screelings are loose and the Keeper may win.His assasins have come to rip off your skin.Golden eyes will see you if you try to run.The screelings will get you and laugh like it’s fun. Walk away slow or they’ll tear you apart,And laugh out all day long as they rip out your heart.Golden eyes will see you if you try to stand still.The screelings will get you, for the Keeper they kill. Hack ‘em up, chop ‘em up, cut ‘em up to bits,Or else they will get you while laughing in fits.If the screelings don’t get you the Keeper will try.To reach out and touch you, your skin he will fry. Your mind he will flail, your soul he will take.You’ll sleep with the dead, for life you’ll forsake.You’ll die with the Keeper till the end of time.He hates that you live, your life is a crime. The screelings might get you, it says so in text.If screeling don’t get you the Keeper is next,Lest he who’s born true can fight for life’s bond.And that one is marked; he’s the pebble in the pond. (Kahlan Amnell, Mother Confessor@ The Village of the Mud People)

 Di ko alam bakit ko kinuha ang bahaging ito ng kwento, marahil minsan gusto kong maging isang “pebble in the pond” din, ang gumawa ng pagbabago…

Wizard’s First Rule

Wizard’s First Rule WIZARD’S FIRST RULE:

People are stupid;  given proper motivation, almost anyone will believe almost anything.  Because people are stupid, they will believe a lie because they want to believe it’s true, or because they are afraid it might be true.  People’s head are full of knowledge, facts and beliefs, and most of it is false, yet they think it all true.  People are stupid;  they can only rarely tell the difference between a lie and the truth, and yet they are confident they can, and so are all the easier to fool. (Wizard of the First Order:  Zeddicus Zu’l Zorander) <AUTHOR:  Terry Goodkind>

Ito ang libangan ko bukod sa pag-i-internet, ang magbasa ng libro.  Paborito ko ang mga kuwentong kathang-isip.  Sa pamamagitan ng pagbabasa nito, nagagawa kong maglakbay sa iba’t ibang lugar at nailalagay ko ang aking sarili sa iba’t ibang eksena at sitwasyon.  Iba-ibang kwento na ang nabasa ko at sa tuwina ay may napipili akong bahagi ng kwento na napupulutan ko ng aral o kaalaman.  Madalas, isinusulat ko ito sa aking aklat-talaan subalit kapag inabot ng katamaran… nalilimutan ko na itong gawin hanggang sa maibalik ko na ang aklat sa aklatan o maitabi ko na.

Dahil dito, naisipan kong dito na lamang ilagay sa blog ang mga bahaging naibigan ko.  Hindi naman ako naririto para i-rebisa ang isang aklat na aking nabasa kundi ibahagi lamang ang bahaging nakapulutan ko ng aral o kaalaman.

Dito sa Wizard’s First Rule, sinabi niyang istupido o gunggong ang isang tao na handang paniwalaan ang kahit anong bagay sa takot na ito ay totoo or magkatotoo.  At naniniwala ako sa kanyang pahayag, dahil madalas may mga pagpipilian tayo sa mga desisyong maari nating gawin subalit hindi naman mapili kung ano nga ba ang pinakamainam… at anumang ating piliin ay paniniwalaan nating tama at hindi ang pinili ng iba.  Dito ipinapakita ang kontradiksyon ng bawat tao, dahil ang pagpiling ginagawa ng bawat isa ay base sa kung ano ang kanilang prinsipyo o pananaw sa buhay.  Kung ano ang kanilang pinagdaanan o mga karanasan.

Pero istupido o gunggong nga ba ang tao?  Paano kung ang pagpiling kanilang ginawa ay naayon lamang sa lebel na nasasaklawan ng kanilang isipan… Kaya marahil ito ang unang panuntunan ng isang wizard… dahil sa paniniwalang sila ang may mataas na kaalaman, kaya hindi sila maaring maging istupido. ^_^

Alone

In this empty room

I feel so cold and alone

The wind is blowing

And my heart is crying

The chain of sorrow

Is in my head

But the pain is in my heart

Oh, I feel so empty

I feel so sad

And I ended this agony of life

Bang! Silence

As I lay down cold

Bloody… dead…

But I, still ALONE…

super sad

bagong araw na naman ang nagdaan… anong oras na ba akong nagpahinga kagabi? ikalawa ng umaga at kinakailangan ko pang gumising ng alas sais, pero ok lang, pagkatapos kasi noon pede pa uling matulog, hahaha! ganyan lang ang buhay ko sa araw-araw… lalo pa nga at palamig na ng palamig dito, nakakatuwang nararanasan ko na ang apat na panahon (four season) na noon ay pinapangarap ko lang.

buhat ng tumutuntong ako sa lugar na ito, iba iba ng experience ang nararanasan ko.  may nakakatuwa at may nakakalungkot. minsan mas matimbang ang nakakalungkot subalit ipinagpapatuloy pa din ang buhay dahil sa mga pangarap.

ahhh!!! bago ko simulan ito, parang ang dami daming nais kong ilagay, subalit ng simulan ko na ang pagkatha, unti unti ng nawala ang mga ideang naglalaro sa aking isipan.

bakit nga ba ako malungkot? ahhhh…. ang hirap pala kapag handa kang ibigay ang lahat ng kaya mong gawin para sa isang tao, pero kulang pa din ito para sa kanya. dahil naghahanap pa din siya ng iba at tuluyan ka na niyang babalewalain.  hindi ko na pala kayang ituloy pa ito, pasensya po subalit dito ko na tatapusin ito.

Ang Unang Entrada

Paano ko nga ba sisimulan ito?  Hmmmm… Sa totoo lang, wala akong masyadong ideya… Ang ginagawa ko lang sa ngayon ay ang magsulat ng naaayon sa takbo ng isip ko.

Madaming pangyayari sa buhay ng bawat ng tao.   At siyempre hindi naman ako naiiba sa kanila.  Hindi ko ito madalas ginagawa, hindi ako kawangis ng iba ng mahusay maglahad ng pangyayari sa kanilang buhay-buhay.  Dahil para sa akin masyadong boring ang aking buhay.

 Pero sabi ko sa aking sarili, bakit di ko ito subukan, upang sa gayon ay unti-unti ko ding ma-appreciate ang mga pangyayari sa aking buhay gaano man ito kalungkot o kasaya.