Paano ko nga ba sisimulan ito? Hmmmm… Sa totoo lang, wala akong masyadong ideya… Ang ginagawa ko lang sa ngayon ay ang magsulat ng naaayon sa takbo ng isip ko.
Madaming pangyayari sa buhay ng bawat ng tao. At siyempre hindi naman ako naiiba sa kanila. Hindi ko ito madalas ginagawa, hindi ako kawangis ng iba ng mahusay maglahad ng pangyayari sa kanilang buhay-buhay. Dahil para sa akin masyadong boring ang aking buhay.
Pero sabi ko sa aking sarili, bakit di ko ito subukan, upang sa gayon ay unti-unti ko ding ma-appreciate ang mga pangyayari sa aking buhay gaano man ito kalungkot o kasaya.
