bagong araw na naman ang nagdaan… anong oras na ba akong nagpahinga kagabi? ikalawa ng umaga at kinakailangan ko pang gumising ng alas sais, pero ok lang, pagkatapos kasi noon pede pa uling matulog, hahaha! ganyan lang ang buhay ko sa araw-araw… lalo pa nga at palamig na ng palamig dito, nakakatuwang nararanasan ko na ang apat na panahon (four season) na noon ay pinapangarap ko lang.
buhat ng tumutuntong ako sa lugar na ito, iba iba ng experience ang nararanasan ko. may nakakatuwa at may nakakalungkot. minsan mas matimbang ang nakakalungkot subalit ipinagpapatuloy pa din ang buhay dahil sa mga pangarap.
ahhh!!! bago ko simulan ito, parang ang dami daming nais kong ilagay, subalit ng simulan ko na ang pagkatha, unti unti ng nawala ang mga ideang naglalaro sa aking isipan.
bakit nga ba ako malungkot? ahhhh…. ang hirap pala kapag handa kang ibigay ang lahat ng kaya mong gawin para sa isang tao, pero kulang pa din ito para sa kanya. dahil naghahanap pa din siya ng iba at tuluyan ka na niyang babalewalain. hindi ko na pala kayang ituloy pa ito, pasensya po subalit dito ko na tatapusin ito.
