People are stupid; given proper motivation, almost anyone will believe almost anything. Because people are stupid, they will believe a lie because they want to believe it’s true, or because they are afraid it might be true. People’s head are full of knowledge, facts and beliefs, and most of it is false, yet they think it all true. People are stupid; they can only rarely tell the difference between a lie and the truth, and yet they are confident they can, and so are all the easier to fool. (Wizard of the First Order: Zeddicus Zu’l Zorander) <AUTHOR: Terry Goodkind>
Ito ang libangan ko bukod sa pag-i-internet, ang magbasa ng libro. Paborito ko ang mga kuwentong kathang-isip. Sa pamamagitan ng pagbabasa nito, nagagawa kong maglakbay sa iba’t ibang lugar at nailalagay ko ang aking sarili sa iba’t ibang eksena at sitwasyon. Iba-ibang kwento na ang nabasa ko at sa tuwina ay may napipili akong bahagi ng kwento na napupulutan ko ng aral o kaalaman. Madalas, isinusulat ko ito sa aking aklat-talaan subalit kapag inabot ng katamaran… nalilimutan ko na itong gawin hanggang sa maibalik ko na ang aklat sa aklatan o maitabi ko na.
Dahil dito, naisipan kong dito na lamang ilagay sa blog ang mga bahaging naibigan ko. Hindi naman ako naririto para i-rebisa ang isang aklat na aking nabasa kundi ibahagi lamang ang bahaging nakapulutan ko ng aral o kaalaman.
Dito sa Wizard’s First Rule, sinabi niyang istupido o gunggong ang isang tao na handang paniwalaan ang kahit anong bagay sa takot na ito ay totoo or magkatotoo. At naniniwala ako sa kanyang pahayag, dahil madalas may mga pagpipilian tayo sa mga desisyong maari nating gawin subalit hindi naman mapili kung ano nga ba ang pinakamainam… at anumang ating piliin ay paniniwalaan nating tama at hindi ang pinili ng iba. Dito ipinapakita ang kontradiksyon ng bawat tao, dahil ang pagpiling ginagawa ng bawat isa ay base sa kung ano ang kanilang prinsipyo o pananaw sa buhay. Kung ano ang kanilang pinagdaanan o mga karanasan.
Pero istupido o gunggong nga ba ang tao? Paano kung ang pagpiling kanilang ginawa ay naayon lamang sa lebel na nasasaklawan ng kanilang isipan… Kaya marahil ito ang unang panuntunan ng isang wizard… dahil sa paniniwalang sila ang may mataas na kaalaman, kaya hindi sila maaring maging istupido. ^_^
