Nawawalang isip

Haaay!!! Sarap sanag gumala ngayon, sarili ko lang ang aking aalalahanin, masarap sanang maglakad lakad sa mall or kung saan man, pero inabot na din ako ng katamaran… bakit? kasi naman, wala akong sapat na tulog na naman kagabi…

Huwebes ng gabi, naisipan kong tapusin ang librong binabasa ko, ayun, inabot na ako ng alas singko ng madaling araw, pero ok lang, nag enjoy naman ako sa pagbabasa at wala naman akong aalalahanin dahil umalis ang mga tita ko kasama ang alaga ko.  Pagbangon ko ng ikawalo at kalahati ng umaga, nagkape at lumabas ako ng bahay… nag punta ng aklatan at nag internet, dahil may virus ang computer na ginagamit ko dito sa bahay, habang hindi ko naman alam ang password ng computer ng tito.  Matapos ang isang oras na libreng paggamit ng computer, naglakad lakad naman ako patungo sa Dollarama at naghanap ng anumang mabibili, bulak lang naman ang naisipan ko dahil un lang naman ang kailangan ko sa ngayon.  Nagplano sana akong magtanghalian sa McDonalds o di kaya ay sa Sushi Maru, kaya lang naisip ko, sayang din ang gagastusin ko doon lalo pa at madami naman akong maaring pagpiliang kaini dito sa bahay.  Kaya ang pangkain ko sana ay binili ko na lamang ng load para sa aking cellphone, mas mahal kesa sa kumain ako pero ok na din dahil kahit papaano magkakaroon ako ng komikasyon sa mga mahal ko na di ko nakakausap dahil nga sa hindi ako makapag internet.

Pag uwi sa bahay, kumain at sinubukang ayusin ang computer sa tulong ng aking kapatid habang nagpapasensya sa kabagalan ng koneksyon sa internet, subalit ayun, hindi pa din maasyos talaga.  Ng hapon na, matapos magluto ng hapunan, naisipan ko namang manood ng telebisyon, palipat lipat ng palabas hanggang sa abutin na ng 930 ng gabi.  Bumababa na ako sa aking silid upang magpahinga, ng magpaalam ang pinsan ko na lalakad siya at tutungo sa bar, kami lamang kasing dalawa ang tao dito sa bahay dahil ang mga tita ko nga ay umalis, nagtungo ng US upang mag grocery/mag shopping at samantalahin ang mataas na halaga ng Canadian dollar against US dollar, sinamantala na din ang ang Black Friday na tinatawag, kung saan madaming sale na produkto after ng thanksgiving ng huwebes.

Siyempre, pinayagan ko naman ang pinsan ko, dahil una sa lahat, di naman un makikinig sken kahit pa sabihin kong hindi.  Sinubukan kong hiramin ang laptop niya upang may magamit sana ako ng hindi ako maiinis sa sobrang kabagalan, subalit ang in-offer niya ay ang laptop ng daddy niya dahil alam niya ang password nito.  Yun naman pala ay hindi din siya lalakad pa kaya hindi niya ipinagamit ang kanyang laptop.

Hatinggabi na ng siya ay umalis, hindi na upang mag bar, kundi upang sunduin ang kanyang nobya at dito na lang sila sa bahay magtitigil.  Hindi ko sana gusto ang nosyon na ito, subalit ano nga ba ang magagawa ko?  Hinintay ko pa siyang makabalik buhat sa pagsundo sa kaniyang nobya saka pa lamang ako nakatulog.  Makalipas lamang ang tatlong oras ay muli akong gumising ipang tingnan kung lumakad na ba an kaniyang nobya, subalit matindi ang aking pakiramdam na dito sa bahay sila nagpalipas ng magdamag.  Buhat ng gumising ako, na ikaapat na pala ng umaga ay di na naman ako makatulog muli.  Ikawalo na ng umaga ng pilitin ko ang aking sarili na matulog, subalit paidlip idilip lang ang aking nagagawa.  Kahit pa itinalaga ko ang alarm ng cellphone ng 1030am, nagising pa din ako ng pasado alas nuwebe pa lamang ng umaga.  Nais ko pang ituloy ang tulog ko ng maramdaman kong gumising na ang aking pinsan.  Wala akong nadidinig na ibang tinig kaya akala ko ay umuwi na din ang kanyang nobya at di ko na lamang namalayan ng umalis.

Naramdaman kong may nagbukas ng pinto, in-assume ko na kinuha nya lamang ang diyaryo sa mailbox… kaya bago mag ikasampu ng umaga na bumangon ako, inaasahan ko na nagbabasa siya ng diario.  Anong mangha ko ng wala siya sa bahay kaya naman tinawagan ko siya at aking napag alaman na hinatid pala niya ang kanyang nobya sa bahay nito.  Ok, wala na naman akong reaksyon…

Makalipas ang ilang minuto ay tinawagan ako ng pinsan ko upang alukin kung ano ang nais ko para sa agahan… nais daw niya ng sandwich sa burger king, dahil nagkakape na ako, sinabi ko na lang na dalhan niya ako ng burger… di siya makapaniwala na sasapat na iyon, subalit ewan ko ba, 330pm na pero parang busog pa din ako… nag tea na nga ako para bumaba ang kinain pero wala pa din, nagkape naman para mawala ang antok…

Haaay… nawawala na ako sa sarili… pero di ako pedeng matulog, or else, di na naman ako makaktulog mamayang gabi…

Nakaka BADTRIP

Naiinis ako? Bakit ba ganito? Ang hirap kapag wala kang komunikasyon sa taong minamahal mo…

Halos mag-isang taon na din naman ako dito, dumadaan ang araw na parang wala lang… pero ngaun, may isang linggo ng di ko magamit ang computer sa bahay dahil sa letseng virus na nag pollute sa computer… at sobrang nalulungkot na ako… ayaw ko namang magpadala sa kalungkutang ito.. pero minsan di pa din maiwasan…

 Ahhhh… more strength… yan lagi ang dasal ko.  Tibay ng loob… waaah!!!

Weee… ano ba yan?!

Anong petsa na?  Ilang araw na lang Pasko na… ibang klaseng kapaskuhan ang dadanasin ko ngayon dahil narito ako sa ibang lugar.  Kadalasan, ayaw ko ng mag-isip, dahil nangangahulugan lamang ito ng kalungkutan, dahil sa unang pagkakataon, magpapasko ako na malayo sa aking mga minamahal.

Taon-taon, kasama ko ang aking mga magulang at kapatid.  Taon-taon, buhat ng matuto akong mag-ipon di ako nakakalimot na magbigay ng munting regalo sa aking mga pinsan at pamangkin sa pinsang maliliit.  Tanda ko pa ang pamimili ko sa Divisoria ng mga laruan, mayroon tatlo isandaan, meron din naman bente-bente… haaay… nakaka-miss talaga.

Ngayon, ang Pasko ko ay taghirap… wala man lang akong maibibigay sa aking mga inaanak… di man lang nila ako mabibigyan ng isang halik o pagmano kaya… haaaay… wag na nga lang isipin kaya…

Dalawang Pasko na din ang nagdaan na kasama ko ang espesyal na tao sa aking buhay.  Sa darating na unang simbang gabi, dalawang taon na ang aming relasyon, nakakalungkot lang isipin na sa dalawang taong relasyon na ito, halos isang taon na din kaming di magkasama.  Isa siya sa espesyal na taong sobra kong nami-miss.  Kaya ngayong malayo ako, ang munting regalong alay ko sa kanilang lahat ay aking dasal, na sana ay maging masaya ang kanilang Pasko.

Di ako tiyak kung mami-miss ba nila ang presensiya ko ngayong darating na kapaskuhan… ganunpaman, lagi pa rin ang aking dasal sa kanilang kaligayahan…

NAKED EMPIRE

naked_empire.jpg Naked Empire by Terry Goodkind

WIZARD’S EIGHT RULE:  TALGA VASSTERNICH (DESERVE VICTORY).

~*~*~*~

Lahat naman tayo may karapatang magtagumpay… sa lahat ng ating ginagawa lalo pa at ito ay hindi lamang para sa pansarili nating kabutihan kundi para sa kabutihan ng nakararami.  Maaring magulang, kapatid, kapamilya, kaibigan, o mamamayan sa lugar na ating tinitirhan.

Marami ng nilabag na Wizard’s Rule si Richard Rahl, una na ang Wizard’s First Rule kung saan handang paniwalaan kung ano ang totoo.  Hindi dahil ito ay tunay na totoo kundi dahil ito ang iniisip na totoo.  Nilabag nya din ang Sixth Rule kung saan ang tanging maaring mamuno sa kanya ay tamang katwiran… sapagkat mali na din ang rason na kanyang ipinaglalaban.

Tunay na napakakomplikado ng bawat bagay… lahat ay dapat nating suriin at alamin kung ito nga ba ay totoo at nararapat, base na din sa kung ano ang ating katwiran at ipinaglalaban.

Passionate nga ba ako?

pink-passion.jpg

May gusto akong gawin, pero di ko alam kung paano ba? waaah!!! Naiinis ako….

Your Passion is Pink!

You’re the type of woman that would never get described as passionate…
Oh but you can be passionate at times – you just don’t let it show.
Your passion most shows through in your sweet and optimistic attitude.
And chances are, most people are very passionate about you!

http://www.blogthings.com/whattypeofpassionatewomanareyouquiz/

THE PILLARS OF CREATION

pillars.jpg The Pillars of Creation by Terry Goodkind

You don’t have any idea what love really is.  You can’t love anyone or anything until you love your own existence, first.  Love can only grow out of respect for your own life.  When you love yourelf, your own existence, then you love someone who can enhance your existence, share it with you, and make it more pleasureable.  When you hate yourslef, and believe  your own existence is evil, then you can only hate, you can only experience the shell of love, that longing for something good, but you have nothing to base it in but hatred.  YOu taint the very concept of love, with your corrupted longing for it.  You want me only to justify your hatred, to be your partner in self-loathing.  To truly love someone, you must revel in their existence because they make life all the more wonderful.  If you think existence is corrupt, then you are sealed off from the fruition of such a relationship, from what love really is.  (Jennsen Rahl, half sister of Lord Rahl to Sebastian)

~*~*~*~

How sweet!!! Para mapatunayan ang pagmamahal sa isang tao, kailangan munang mahalin at pahalagahan ang sariling buhay.  Naalala ko ang nabasa kong libro noon, sinabi naman niyang hindi ka makapagmamahal ng buo kung ang hinahanap mo ay kapunuan ng iyong sarili.  Kung pakiramdam mo ay may nawawala pang isang bahagi sa sarili mo.  Hindi daw ganoon ang pagmamahal… kinakailangang kumpleto na ang tingin mo sa iyong sarili at hahanapin mo ang katipan na kung saan ibabahagi mo ang iyong kabuuan.  Mas maganda sana kung maaalala ko ang buon konteksto… kaya lang, ang talaan ko ay hindi ko dala dito… sayang…

~*~*~*~

WIZARD’S SEVETH RULE
LIFE IS THE FUTURE, NOT THE PAST.  The past can teach us through experience, how to accomplish things in the future, comfort us with cherished memories, and provide the foundation of what has already been accomplished.  But only the future holds life.  To live in the past is to embrace what is dead.  To live life to its fullest, each day must be created anew.  As rational, thinking beings, we must use our intellect, not a blind devotion to what has come before, to make rational choices.  (Lord Richard Rahl)

~*~*~*~

Sabi nga, matuto na tayo sa kamalian ng kahapon… at matutong pumili ng tama sa ngayon.  Wala lang…

Bakit ganoon?

Naiinis ako sa life ko.  Ginagawa ko na nga ang lahat ng palagay ko ay dapat, pero lagi na lang may mali?
Bakit ganoon?  Kapag ba may itinanong sa kanya ang kapatid nya at pakiramdam nya ay pinagalitan siya, ako naman ang pagagalitan nya?
Bakit ganoon?  Lagi na lang ako ang mali at ako ang masama.

Naiinis ako sa life ko.  Bakit ba ako nagtitiyaga?  Ano ba talaga ang plano ko sa buhay ko?  Matagal-tagal pa din ang mahigit isang taon.  Arggghhhh…

« Older entries