Naked Empire by Terry Goodkind
WIZARD’S EIGHT RULE: TALGA VASSTERNICH (DESERVE VICTORY).
~*~*~*~
Lahat naman tayo may karapatang magtagumpay… sa lahat ng ating ginagawa lalo pa at ito ay hindi lamang para sa pansarili nating kabutihan kundi para sa kabutihan ng nakararami. Maaring magulang, kapatid, kapamilya, kaibigan, o mamamayan sa lugar na ating tinitirhan.
Marami ng nilabag na Wizard’s Rule si Richard Rahl, una na ang Wizard’s First Rule kung saan handang paniwalaan kung ano ang totoo. Hindi dahil ito ay tunay na totoo kundi dahil ito ang iniisip na totoo. Nilabag nya din ang Sixth Rule kung saan ang tanging maaring mamuno sa kanya ay tamang katwiran… sapagkat mali na din ang rason na kanyang ipinaglalaban.
Tunay na napakakomplikado ng bawat bagay… lahat ay dapat nating suriin at alamin kung ito nga ba ay totoo at nararapat, base na din sa kung ano ang ating katwiran at ipinaglalaban.
