Yehey! Natapos ko na ang kwento… three days ko lang binasa.. ung second day, sobrang naaliw ako sa pagbabasa at hindi ko na namalayan na alas-singko na pala ng umaga, kaya kinaumagahan, daig ko pa ang hilong talilon… tapos hindi naman ako nakatulog ng hapon.. kaya ayun, kinagabihan ng miyerkules, alas-otso y medya pa lang ng gabi naghihilik na ako sa higaan… ang masakit lang, ilang ulit akong nagising during the night… haaaay…
WIZARD’S RULE: It started with one rule and will end with the rule of all rules, the rule unwritten, the rule unspoken since the dawn of history.
So basically, wala talagang nakasulat na Wizard’s Rule, kasi nga unwritten and unspoken…
There was this statement in the Book of Life that goes “Those who have come here to hate should leave now, for in their hatred they only betray themselves.” Probably, it has something to do with the unwritten rule. Gaya ng sinabi ng first rule, … people are stupid… almost anyone will believe anything… they will believe inl ie because they want to believe its true…
Minsan or madalas, kung ano ang paniniwala natin, yun din ang ating paninindigan… kahit hindi natin alam kung ano ba talaga ang katotohanan. Minsan, nalulukob ang ating sarili ng poot o galit at gagawin na lamang natin ang nais nating gawin upang patunayan kung ano ba talaga ang ating paniniwala.
Gaya ng naganap sa Sisters of the Dark, pinaniwala nila ang kanilang sarili na tama ang kanilang nais mangyari, kaya naman ilang ulit na ipinakita ang kanilang pagbagsak. Ang paniniwalang pinoproktehan sila ng bigkis ng mahika na nag uugnay kay Richard Rahl laban sa Dreamwalker na si Jagang. Ang paniniwalang kung ilalagay nila ang Order in Play at ang hangarin na magkaroon ng mahabang buhay si Richard Rahl dahil sa pinahahalagahan niya ang buhay ay patuloy silang mapoproktetahan ng bigkis nila dito. Ang paniniwalang ang makuha ang tamang aklat ng The Book of Counted Shadows at gamitin sa pagbubukas ng tamang kahon ng Orden upang makamit nila ang blessing mula sa Keeper… ang mga paniniwalang ito na nagdulot sa kanila upang mapahamak.
Haaay….
Di ko maiwasan na hindi mag-komento sa librong ito. Sa kabuuan ng Sword of Truth novel, masyadong kakaiba ang naging katapusan ng aklat na ito. Malayo sa nakakapanabik na istorya ng mga natapos na. Mayroong mga karakter na muling bumalik sa kwento na hindi na ipinaliwanag kung saan nila unang nakaikwentro si Richard Rahl, gaya ni Gratch… paano niya nasabi na mahal niya si Richard Rahl, ano ang naging koneksyon niya kay Richard, si Gregory, paano siya nasagip ni Richard noong siya ay itlog pa lamang.
Hmmm…. although, malabo ang kanilang pinagmulan, hindi naman sila naging sagabal sa kabuuan ng kwento. Kaya lamang ang hinahanap ko ay ang aksyon na kawangis ng mga nauna niyang kwento. Marahil, lahat ng kwentong tinatapos ay ganito ang kinakahinatnan. Kaya nga walang katapusan ng teleserye ang nakintal sa aking alaala, dahil minsan, ang katapusan nila ay parang minadali.
Dalangin ko na lang, sana ay magkaroon pa ng karugtong na kwento ang buhay ni Lord Richard Rahl ng D’Haran Empire at Confessor Kahlan Amnell.
