Imus Institute Batch ‘98


Waaah!!! Isang dekada na agad ang nakalipas… ang bilis talaga ng panahon. Madami ng pangyayari ang naganap sa bawat isa. Merong nag-asawa na at may mga anak. Meron ding nangibang bayan. Marami din ang patuloy na nagsisikap mula sa kung anong buhay meron noon. Sa mga nag-asawa, meron din namang nagkahiwalay. Mayroon na ding ilan na pumanaw na. Sa dinami-dami ng bawat indibidwal na nagtapos, iba-iba ding pangyayari ang naganap sa buhay. Bawat isa, may sariling kwento, may sariling pakikipagsapalaran…

Parang nais kong balikang tanaw ang mga pinanonood ko noong araw… ang ZENKI at BT X… hahahah!!! Di ko malilimutan ang dalawang ito, kasi naman first year HS, nagmamadali akong makauwi upang maabutan ko ang palabas na ito na magsisimula ng alas tres ng hapon. Habang 2:20PM naman ang tapos ng klase ko. Pasalamat na lang ako at wala pang traffic ng mga panahong iyon. Kahit lakarin ko mula sa paaralan hanggang sa sakayan ng jeep pauwi, aabutin ko pa din ang pagsisimula ng palabas.

2nd year HS, yes, may tropa na. Nabuo ang JAMECAN (Jay/Jomar, Al, Marjay, Ehdz, Chris-Anne, Aleli & Noreen) ang saya-saya! Di naman super sa gimikan, dahil nauwi pa din ng maaga… pero kahit papaano kapag may school activities, like foundation day atbp, sama-samang mag hangout.

Third year HS naman ng magkaroon ng Makro Imus… kasagsagan ng mga mamimili… meron pa silang promo, buy two 25kgs sack of rice, take one free… kaya naman ang mga tao, bumaha sa Makro. Nagkagulo.. may insidente pa ngang nabasag ang salaming pinto papasok, dahil sa buhos ang mga taong nais makabili ng bigas. Ciyempre naman, sa mahal ba naman ng bigas… siempre, gugustuhin mo na ung may free at magandang klase din naman. Buy two take one din ang monoblock chairs noon… haaay naku!!! Gurami talaga! Anyways, bakit ko ba naikwento ito? Well, dahil lang naman ng mangyari it… nagsimula ng mag-traffic pauwi sa bahay namin. At ang mismong araw na nag-sale ang Makro.. naglakad ako mula sa sakayan ng jeep, hanggang pauwi ng bahay namin, imadyinin mo naman ang 30 minutos na nilakad ko… buti na lang na may nakasama akong isang kamag-aral.

Itinayo na din ang Robinsons Imus.. haaay naku!!! Lalo ng nagkaloko-loko ang biyahe ko pag-uwi. Ang travel time kong 5-10minutes, ay inabot na ng isang oras. Humina na ang Makro habang namayagpag naman ang Robinsons…At ciempre pa, ang masayng 4th year HS… Centennial Grad!

Kung tutuusin, di pa din kasing kulay ng ibang estudyante ang HS life ko, but I still cherish every memory of it because it culminates the person of who I am now. With every person (classmates) who had been a part of it… teachers that guides me and nurture me during that adolescent part of my life…

So ngayon ngang isang dekada na ang nagdaraan, masarap alalahanin at muling balikan ang nakaraan, muling makadaupang palad ang kapwa mag-aaral at makilala ang iba pang nasa ibang pangkat. Sabi nga ng isang kapwa mag-aaral, kung nakasamaan man ng loob noong araw ang isang taong makakasama sa pagtitipon, isa-isangtabi na ito at kalimutan, dahil ngayon, di na kami mga musmos na batang pag-aawayan ang crushes, assignments, libro, magandang notebook atbp.

Sa Batch ‘98… cheers!!!

Maligayang ika-sampung taong Kumpleanyo!!!

Fiesta! Fiesta! Fiesta!

Oooopppsss!!!  Bago mo pa sabihing ready na naman ako para lumapang at lalong magpalaki ng katawan dahil fiesta, ay nagkakamali ka!  Hindi ito klase ng fiesta na may kainan kundi fiesta dahil for a week I can do anything I wish to do.  And this special day starts today.

Pero bakit nga ba fiesta?  Well, kasi para sa isang buong linggo, wala akong responsibilidad para sa iba.  Ang natatanging responsibilidad na kinakailangan kong harapin ay ang aking sarili.  Ang aking kakainin sa araw-araw… un lang!

So, ano nga bang meron at ang responsibilidad ko ay ang sarili ko lamang.  Well, dahil ang kasama ko sa bahay, maliban sa isang pinsan ko na nasa kolehiyo ay umalis para sa isang linggong bakasyon sa Disney World, Orlando, Fl.  Nakakainggit, subalit iniisip ko na lang na darating din ang pagkakataon ko para makarating doon.  Sa ngayon, susubukan ko munang magliwaliw at ikutin ang lugar na ito ng ako lamang at gagamit ng bus.  Sa sobrang kasabikan ay bumili na ako ng isang linggong bus pass.  Mas makakatipid kasi ako kung ganito ang gagawin ko.

Nagsimula ang fiestang ito kaninang umaga.  4am ng kami ay gumising upang ihatid ang mga tita sa paliparan.  Matapos iyon, ay pansamantala akong umuwi ng bahay habang naghihintay sa aking pinsan na makakasama ko ngayong araw na ito.  Di na ako nakatulog, bagkus ay naggawa ng Starbucks coffee at nag-init ng agahan.  Habang nakasalang ang aking agahan sa hurno ay pinag-trip-an ko ang aking buhok.  Nagandahan ako sa ayos ng buhok ni ‘Halle Berry’ sa pelikulang ‘Perfect Stranger’ kaya naman sinubukan ko itong gayahin.  Kaya naman isinalang ko ang curling iron at sinimulangitikwas ang aking buhok.  At kung hindi ba naman sa isa’t kalahating katangahan… sa kalagitnaan ng aking pag-aayos ay nahawakan ko ang mismong maiit na bahagi ng curling iron‘Ouch!‘  yan ang katagang nais kong ihiyaw, laking pasasalamat ko na lamang at makapal na sa kalyo ang aking palad kaya hindi naman ito nalapnos. 

Ika-8 at kalahati ng umaga ng dumating ang aking pinsan… ng mga oras na ito, nakakaramdam na ako ng antok, salamat sa ‘Starbucks’ coffee na aking ginawa at kahit papaano ay nalalabanan ko ang antok na aking nararamdaman.  Sa kanyang pagdating ay isinuot ko lamang ang aking damit panlamig at isinusi ang pinto ng bahay bitbit ang mug ng ‘Tim Hortons’ na naglalaman ng ‘Starbucks’ coffee.

Ibinaba niya ako sa simbahan malapit sa kanyang tahanan sa Osborne.  Di siya makakasama sa pagsisimba bagamat iyon ang unang plano sapagkat hindi pa siya nakakabihis para sa ‘breakfast appointment‘ na aming pupuntahan.  Maayos ko namang natapos ang pagsisimba sa kabila ng pag-iisa.  Hah!  Ngayon ay nasubukan ko ng inumin ang ‘alak’ na sa Pinas ay tanging pari lamang ang umiinom.  Dito kasi, sa oras ng komunyon, ay hindi lamang ang ‘tinapay’ ang ibinabahagi kundi maging ang ‘alak’… bagamat meron kang option na wag inumin ang ‘alak’ .  Ahhh, napakasarap ng wine… parang nais ko ng laklakin ang laman ng buong ‘cup‘.

Matapos ang misa ay tinawagan ko ang aking pinsan upang sunduin na ako.  10:30am ang aming agahan sa Assiniboine.  Sa ‘Tavern at the Park’ kami kumain para sa isang brunch buffet, tunay namang napagkay sasarap ng pagkain.  Di ko na sana nais itanong pa kung magkano ang presyo ng aming kakainin.  Subalit sa di kalaunan ay nalaman ko na din dahil sa reaksyon ng asawa ni Arlyne,  isa sa kasama naman sa agahang iyon.  Kaya naman pala ang wika sa akin ng aking pinsan ay kumain akong mabuti… hahahahah!!!

Matapos ang brunch ay tumungo naman kami sa St. Vital upang maglibot sa mall, dangan kasi ay kinakailangang bumaba ang aming kinain.  Sobrang busog na busog talaga ako.  Pakiramdam ko ay sobrang bundat talaga ako at kahit ngayon ngang ikaanim na ng gabi ay di ko pa naiisip ang kumain o uminom man lang.  Bago tuluyang umalis ng Assiniboine ay nagpakuha ak ng larawan…  Subalit pambihirang camera, parang na-frozen na dahil ayaw gumana.  Naubusan ng baterya pala.  Salamat na lamang at nakakuha kahit papaano ng dalawang larawan, sana nga lamang ay naging maayos ito.

Pagdating sa St. Vital ay nag-ikot-ikot kami.  Nagtungo kami sa Disney Store at doon nga ay nakakita ako ng sale na palda na may kapirasong print ni Tinker Bell, at para akong musmos na super excited kaya naman binili ko na ito.  Sa pag-iikot ay nakakita din ang aking pinsan ng mapormang boots na kanyang binili.  At ng magtungo kami sa damitin ay nakakita din kami ng magagandang blusa.  Ibinili niya ako ng dalawa.  Matapos ito ay nagtungo naman kami sa Wal-Mart upang ibili niya ako ng yogurt(plano ko kasing may Activia challenge ngayong linggo na ito upang magbawas ng timbang)  di nga lamang Activia ang aming binili kundi Silhouete.  Ilang sandali pa ay nasa sasakyan na kaming muli at nagbiyahe pauwi. 

Hinatid na niya ako kaagad sa bahay dahil mahirap kung gagabihin masyado, may kalayuan din kasi ang aking tinitirhan sa bahay na kanyang tinutuluyan.  Pag-uwi sa bahay… excited kong isinukat ang aking biniling damit kaya naman todo sariling sikap akong nag-pose sa camera at eto nga ang resulta

Ngayong gabi, muli akong nagpaplano… ano nga ba ang gagawin ko kinabukasan, tinawagan ko na ang aking kaibigan upang magkita… hahahahaha!!!  Bukas, ikalawang araw ng aking fiesta!!!

Is He Your Soulmate

In love
You’re in love and want to make your relationship work. He’s not the prince charming that you’ve dreamt about, but you’re content. Don’t be surprised if you meet a guy that will take your breath away when you least expect it.

I take a quiz at facebook and that was the result.  I don’t know if I believe what was written or what?

As of now, naguguluhan ako, di ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko.. haaaay… pero parang ok lang naman ung result…

Pero kelan kaya ung guy that will take my breath away?!

hahahaha!!! I must admit to myself, bangag lang talaga ako… noon hanggang ngayon!

A Lonely Soul Dreaming…

Up from the sky
Through the blowing wind
I whisper your name
To the eagle that was coming

I asked the clouds above
I beg every particles of air
I request the blue sky
To brighten up my way 

I travelled miles and beyond
Just to see your smile
I fly oceans apart
To feel the warmth of your hugs 

I am so lonely and crying
Longed to be cradled in your arms
Someday when realization comes
You and I will no longer be a dream

ANG BINHI

Ang Binhi

Ang binhi

            Itinanim, ipinunla
            Diniligan, kinalinga
            Inalagaan, inaruga
            Minahal ng kusa.

Ang binhi lumago
Tinanaw yaong puno
Inasam, sinamo
Sinambang totoo

            Ngayon nga’y puno na
            Kapantay niyaong una
            Daho’y namayagpag
            Ulap ay kinawayan

Yaring puno’y tumanaw
Sa paligid, sa parang
Umasam ng higit pa
Nangarap ng kakaiba

 

            Puno’y nakalimot na
            Sa unang kumalinga
            Gumawa ng sariling pasya
            Di na nakinig sa iba 

Nag-aruga’y matanda na
Tuyo at limot na
Umiiyak, nagdurusa
Sa kapalaran ng inaruga

            Bagong puno naglakbay
            Desisyon ay napariwara
            Wala ng babalikan
            Nag-aruga’y pumanaw na 

Bagong puno ay nagsisisi
Ngunit kahit anong hikbi
Nakaraa’y di maibabalik
Katotohanan dapat ng harapin

            Aral ay natutunan
            Sa masakit na paraan
            Di malilimutan
            Laging tatandaan… 

Best Humor Blog

Bagong post pa lang nito sa website ni Badoodles, naaakit na akong makilahok.  Pero hindi naman ako makalahok dahil noon pa lang ako nag-e-explore dito sa blogging community.  Noon pa man, nagbabasa na ako paminsan-minsan, madalas kasing busy sa trabaho saka sa boypren kaya hindi ako nagka interes na gumawa ng sarili o ipagpatuloy ang pagbabasa.  Pero ngayon, hindi na kumpleto ang araw ko ng hindi ko nabibisita ang peyborit blog ko.  Ok lang na hindi naka-chat ang boypren… LOL

1.  greenpinoy.com The best ang blog na ito, una kong nasilayan ang youtube videos.  Tapos, naisipan ko ng bisitahin ang website nya.  Natuwa ako sa kakornihan nya, nagbigay buhay sa nakakabagot kong araw.  Dito din sa kakornihan nya nagkaroon ako ng madaming kaibigan sa iba’t ibang sulok ng mundo.  Palagay ko din, si GP ang may makapal na mukha na kayang-kayang ibalandra ang kanyang mukha sa lahat.  (LOLZ)  Isa pa, sabi nga ni Jeck, sa blog ni GP, lahat ay bida!!!

2.  kwentong barbero.com  Hindi ko alam kung kasali ka ba dito sa sarili mong patimpalak.  Pero kasi, ikaw ang pangalawa sa best humor blog para sa akin.  Naaliw ako sa iyong mga salaysay.  Pati na din ang pagpapahayag ng iyong damdamin sa Bebe mo.  Ang mga opinyon sa paligid at reaksyon sa kapwa.

3.  chilidobo  Sino nga ba siya?  Hindi ko talaga alam, di ko na din alam kung paano ako napadpad sa blog nya… basta minsan, napadaan ako at nagbasa.  At na-appreciate ko ung mga sinusulat nya.  ^_^

4.  prince arthur  Nakakaaliw ang blog na ito ni Prince Arthur, Prince of the Internet (sabi nya), ung tipong mapapaisip ka, ano nga ba ang pinagsasabi nya?  Nakakabangenge… pero nakakaaliw din…

Hmmmm… apat na po un… wala na akong iba pang maisip na idagdag… para kasing kung may idadagdag ako… lahat na sila, di ba?  Naisip ko lang, pede bang ung point para sa ika-lima, idagdag na puntos para sa una… hahahahah!!!

Madaming blog ang naglipana, masaya ang tema ng iba, ang iba ay informative.  Wala lang, nasabi ko lang, mag enjoy sana sila sa mga Humor Blog na napili ko… :D

Women as explained by Engineers

Nakakainis itong paliwanag na ito ng mga inhinyero… buti na lang hindi ako kabilang dun kasi hindi ako woman. (Ano daw?!!?)

1.gif

~♥~♥~♥~  Woman = Problem ; pero kailan ba nagiging problema ang mga babae… bakit ba kasi nauuna ang mga lalaking maging sakit ng ulo…

2.gif

~♥~♥~♥~

This explanation is totally unacceptable, not all women are as explained above.

3.gif

~♥~♥~♥~

Eto di ko masyadong na-gets ang logic sa pagiging maraming buttons ang babae… anyone na pedeng mag explain… hehehhe!!! Iba kasi ang naiisip ko. :D

« Older entries