|
Shayleigh –
|
| [noun]:A person who has the ability to be invisible |
| ‘How will you be defined in the dictionary?’ at QuizGalaxy.com |
Ang galing noh? Abilidad na ikubli ang sarili? Saan nga ba?
Habang nililimi ko sa aking isipan ang kahulugan ng sagot para sa aking pangalan, ako’y napaisip, marahil nga ay mayroon akong kakayahang gawin ang bagay na ito, kung paanong sa realidad ng buhay ay nagagawa ko ding ikubli ang tunay kong nararamdaman. Na sabawat pagkakataon na maibibigay sa akin, ay di ko ipinapaalam sa iba kung ano ba talaga ang laman ng aking puso. Marahil, kinakailangan ko lamang itago sa sulok ng aking puso ang kalungkutang bumabalot sa aking pagkatao at ayaw kong mag-alala pa sila.
Sa kabila nito, ang kahulugan naman ng aking TUNAY na pangalan ay “smells like a teen spirit”. di ko maisip ang katuturan ng smell, subalit ang tungkol sa teen spirit, marahil dahil sa bawat sandali, mas nais kong napapaligiran ng mga teenager o mga higit na nakababata sa akin. Masaya akong maging ng kanilang buhay at maging bahagi ng kanilang masiglang pakikitungok sa hamon ng buhay. Nakaluluwag din ng dibdib ang makatulong sa kanila sa kanilang problema, na kahit papaano, nasasagot ang kanilang katanungan.
Wala lang, napapaseryoso na naman ako… anyways, ‘ability to be invisible’ does it mean to say may pagka-hunyango pala ako?

elaine said,
August 27, 2008 at 6:34 am
nu ung nililimi?
Shayleigh said,
August 28, 2008 at 6:22 pm
pinag-aaralan po.