Waaah!!! Isang dekada na agad ang nakalipas… ang bilis talaga ng panahon. Madami ng pangyayari ang naganap sa bawat isa. Merong nag-asawa na at may mga anak. Meron ding nangibang bayan. Marami din ang patuloy na nagsisikap mula sa kung anong buhay meron noon. Sa mga nag-asawa, meron din namang nagkahiwalay. Mayroon na ding ilan na pumanaw na. Sa dinami-dami ng bawat indibidwal na nagtapos, iba-iba ding pangyayari ang naganap sa buhay. Bawat isa, may sariling kwento, may sariling pakikipagsapalaran…
Parang nais kong balikang tanaw ang mga pinanonood ko noong araw… ang ZENKI at BT X… hahahah!!! Di ko malilimutan ang dalawang ito, kasi naman first year HS, nagmamadali akong makauwi upang maabutan ko ang palabas na ito na magsisimula ng alas tres ng hapon. Habang 2:20PM naman ang tapos ng klase ko. Pasalamat na lang ako at wala pang traffic ng mga panahong iyon. Kahit lakarin ko mula sa paaralan hanggang sa sakayan ng jeep pauwi, aabutin ko pa din ang pagsisimula ng palabas.
2nd year HS, yes, may tropa na. Nabuo ang JAMECAN (Jay/Jomar, Al, Marjay, Ehdz, Chris-Anne, Aleli & Noreen) ang saya-saya! Di naman super sa gimikan, dahil nauwi pa din ng maaga… pero kahit papaano kapag may school activities, like foundation day atbp, sama-samang mag hangout.
Third year HS naman ng magkaroon ng Makro Imus… kasagsagan ng mga mamimili… meron pa silang promo, buy two 25kgs sack of rice, take one free… kaya naman ang mga tao, bumaha sa Makro. Nagkagulo.. may insidente pa ngang nabasag ang salaming pinto papasok, dahil sa buhos ang mga taong nais makabili ng bigas. Ciyempre naman, sa mahal ba naman ng bigas… siempre, gugustuhin mo na ung may free at magandang klase din naman. Buy two take one din ang monoblock chairs noon… haaay naku!!! Gurami talaga! Anyways, bakit ko ba naikwento ito? Well, dahil lang naman ng mangyari it… nagsimula ng mag-traffic pauwi sa bahay namin. At ang mismong araw na nag-sale ang Makro.. naglakad ako mula sa sakayan ng jeep, hanggang pauwi ng bahay namin, imadyinin mo naman ang 30 minutos na nilakad ko… buti na lang na may nakasama akong isang kamag-aral.
Itinayo na din ang Robinsons Imus.. haaay naku!!! Lalo ng nagkaloko-loko ang biyahe ko pag-uwi. Ang travel time kong 5-10minutes, ay inabot na ng isang oras. Humina na ang Makro habang namayagpag naman ang Robinsons…At ciempre pa, ang masayng 4th year HS… Centennial Grad!
Kung tutuusin, di pa din kasing kulay ng ibang estudyante ang HS life ko, but I still cherish every memory of it because it culminates the person of who I am now. With every person (classmates) who had been a part of it… teachers that guides me and nurture me during that adolescent part of my life…
So ngayon ngang isang dekada na ang nagdaraan, masarap alalahanin at muling balikan ang nakaraan, muling makadaupang palad ang kapwa mag-aaral at makilala ang iba pang nasa ibang pangkat. Sabi nga ng isang kapwa mag-aaral, kung nakasamaan man ng loob noong araw ang isang taong makakasama sa pagtitipon, isa-isangtabi na ito at kalimutan, dahil ngayon, di na kami mga musmos na batang pag-aawayan ang crushes, assignments, libro, magandang notebook atbp.
Sa Batch ‘98… cheers!!!
Maligayang ika-sampung taong Kumpleanyo!!!
