A person with a Green Heart is a person capable of indulging in self assertion. Such people are usually the envious type. They make aggressive lovers and normally enjoy rash driving. They are possessive, yet positive and a wee bit self centred.
Festival du Voyageur
February 19, 2008 at 11:23 pm (Kwento-kwento lang, Personal)
Last Sunday, my good friend Cherrie and I went to Festival du Voyageur. I am so excited that I can’t sleep the night before. This is not just because we are going to the festival but also because I’ll get to spend the night at Cherrie’s place.
Cherrie pick me up at 7:30AM Sunday, and we went to her part time job first. After helping her, we went to pick up her friend who wants to come with us as well. We have no idea how the entrance works, so we just bought our Festival Button at Safeway Store (unfortunately I lost my button on the way home). Then off we go to the Festival.
We really enjoyed going there, I am just too lazy to put everything in words, so if you are interested in knowing what this winter celebration is, just follow this link.
Following is the compilation of our pics…
Which Beatles Song Describe My Life?
February 15, 2008 at 11:16 pm (Personal, kwiz)
![]() |
Blackbird You have recently been given a newfound freedom. You are a very hopeful individual with a unique and creative mind. However you do not like being told what to do, and value your independence. You have a good deal of patience but may be a little insecure about yourself. However your independence will put you into new, challenging situations and you will find courage you did not know you had. |
hmmm… i just thought of adding the video of Blackbird and its lyrics too.
Blackbird singing in the dead of night
Take these broken wings and learn to fly
All your life
You were only waiting for this moment to arise
Blackbird fly, Blackbird fly
Into the light of the dark black night.
Black bird singing in the dead of night
Take these sunken eyes and learn to see
all your life
you were only waiting for this moment to be free
Blackbird fly, Blackbird fly
Into the light of the dark black night.
Blackbird singing in the dead of night
Take these broken wings and learn to fly
All your life
You were only waiting for this moment to arise,oh
You were only waiting for this moment to arise, oh
You were only waiting for this moment to arise
Kasuotan sa Araw ng mga Puso
February 14, 2008 at 10:49 am (Kwento-kwento lang)

I am thinking a more dramatic entry on this time of year… special as it was, but my mind is wondering and can’t come up with a good start. I am reading my emails when I come across with this message coming from my sister. So now, check the color that you wear and let me know what is it.. okay?
February 14, Valentines check the color you wear….
Wear WHITE if you are SINGLE AND LOOKINGWear GRAY if you are NOT INTERESTED IN RELATIONSHIPS/COMMITMENTSWear RED if you are COMMITTED AND HAPPY
Wear BROWN if you are COMMITTED BUT YOU WANT OUT
Wear BLUE if you are IN LOVE WITH YOUR FRIEND/LIKE SOMEONE IN THE OFFICE
Wear YELLOW if you are DATING/INLOVE BUT NOT IN A RELATIONSHIP
Wear GREEN if you are in a 3RD PARTY RELATIONSHIP
Wear BLACK if you are BROKENHEARTED
Wear STRIPES if you have MORE THAN ONE RELATIONSHIP
So now you know the color of what you are wearing means or even those people around you. Funny isn’t it? Finding people wearing orange? Well, I haven’t take a shower yet, I am wearing black and green, quite confusing, am I in a third party relationship or brokenhearted. I am planning to wear brown and blue after I shower, so what will it be? Am I committed and want out or am I in love with my friend. Welpz, I don’t know, anyways, I’ll let the day pass by just like any ordinary days.
To all of you who are inlove, in a relationship or loveless… just enjoy the day as good as it can me, tomorrow is a new day, we don’t know what will it bring.
HAPPY VALENTINES DAY everyone!
Kwentong magulo
February 13, 2008 at 11:48 pm (Kwento-kwento lang, Personal)
Ilang minuto na lang, magpapalit na ang petsa. A-katorse na ng Pebrero, Araw ng mga Puso.
Waaah! Buhat ng tumuntong ako sa edad makatapos ang kolehiyo, di ko na masyadong maramdaman ang kilig ng pagsapit ng Balentyns Day. Naisip ko na lang na gunitain ang panahon na nasa haiskul pa lamang ako, where all girls g0 gaga sa mga panahong ito. Looking for dates, dreaming of dates… yan ang drama nila o namin pala. May pakulo pa ang guidance office, that is ang pagpapadala ng liham, bulaklak o tsokolate sa crush mo through SWAK (Sealed With A Kiss…) Para itong post office na kung saan ihuhulog mo ang iyong liham o regalo for a certain fee. Di ko na matandaan kung magkano, tila baga sa halagang piso. Ilang beses ko bang ginamit ang espesyal na post office na ito. Isa, dalawa… isa bawat taon ko sa haiskul? Ewan ko, hindi naman kasi ganoon kakulay ang haiskul lyf ko. Minsan pa ngang napag trip-an namin ng aking mga kaibigan na padalhan ng card ang isa’t isa para lamang masabing may natanggap kami.
Oo na, I’m a loser for doing such thing or agreeing to such. Pero naman, ng mga panahong iyon at alam naman namang wallflower lang kami sa paaralan, gimik na lang kami para sa aming mga sarili. Isang lihim na tinatawanan namin. Kesa naman panoorin na lang namin ang pagbaha ng regalo at kard sa aming kamag-aral na popular di ba? At least kami, kahit isa lang, kahit pakunwari, meron din namang natanggap… or meron nga ba akong natanggap?
Parang ako lang ang nagpadala sa mga loka loka kong kaibigan ng card ah, pero understandable naman na hindi na nga kami maganda at popular ay di pa kami napapangkat sa mga may kaya. Tama ng isa sa amin ay iskolar habang ang iba naman ay naghihigpit ng sinturon ang pamilya upang maitaguyod lamang sa haiskul ang anak.
Masayang makulit ang araw ng mga puso… anjan ang mga games na pakulo na din ng aming guro. Ung aatasan ang isa sa aktibong mag-aaral na maghanda ng palaro bago magsimula ang apatnapung minutong klase. Na sasamantalahin naman naming pahabain upang di na matuloy ang anumang lecture o quizzes na nakaplano. Ang kukulit ng games, kanya-kanyang gimik. Mayroong pusong biniyak matapos ay ibinigay sa babae at lalaki tapos ay hahanapin ang kapares nito. Dinaya naman dahil nilagyan na ng numero upang mapabilis ang paghahanap… (Ah, tuwina’y dasal ko na makapares ko ang crush ko, pero never namang nangyari.) Matapos mahanap ang kapares, ay tatayo ang isang klase sa gitnang bahagi ng silid aralan at may ilang katanungang dapat sagutin. Tanong na tipong wala kang choice, dahil matapos ang isang minuto at di mo nasagot ang limang tanong ng sa palagay nila ay katotohanan, ay konsengkwensya naman ang iyong haharapin. Mga tanong na nais mong iwasan pero binubuko ka naman ng pili mong kaibigan. For the sake of fun, ibinubuko nila ang crushes na lihim kong pinakaiingat-ingatan.
Well, tinutukso naman nila ako sa katabi ng crush ko, un ang inaakala nilang crush ko, pero ung isang trulalu kong friend ay kuntodo iling habang sinasang-ayunan ko sila sa kanilang sinasabi. Pero inabot pa din kami ng kapares ko sa isang minutong palugit na hindi namin natatapos ang mga tanong. Salamat sa patumpi-tumpi niyang pagsagot. Ang kapalit, isang halik. Waaah!!! Isa ba itong bangungot?
Ding! Dong! (kunwari yan ang tunog!) ng bell.
Labis ang paghinga ko ng maluwag ng tumunog ang bell., tapos na ang klase, wala ng dahilan para sa konsenkwensya. Walkout na ako dahil lilipat din naman kami ng silid aralan. ‘Pak-shet‘ ang aking nawatas ng malaman ko kung sino ang hahalikan.. ang crush ko pala at hindi ang aking kapares. Tinding pagsisi ang aking nadama, pero ok lang, baka ako ay mabuko pa!
How S2pid are you?
February 12, 2008 at 11:30 pm (Kwento-kwento lang)
Sabado night na naman, as usual gimik na naman ng mga kaibigan. Hangga’t maaari, pinalalakas ko ang aking loob sa pagpapaalam sa Tita ko na lalabas ako. Its not a big deal to her and yet, nahihiya pa din akong magpaalam ng magpaalam. Di pa din nawawala sa aking katauhan ang aking kinasanayan sa Pinas, whereas, napakahirap lumabas sa gabi. Pero ang pinakamahirap pa dito, ang magpaalam. San ka pa nakakita ng tapos na ng kolehiyo at never na nagloko sa pag-aaral, nalulong sa bisyo o nagtalipandas na ang curfew sa bahay ay alas-nueve ng gabi. Okay pa sana kung bente anyos lang, pero ilang panahon na lang aabot na sa trenta ang edad. Anyway, the character that culminates back home is something that can’t be changed. On how we are raised, the values that are taught to us will always remain wherever we are. Kaya nga kahit kewl lang sa Tita na lumabas ako, since ito lang ang pagkakataon na makakalabas ako, hindi ko pa din masyadong ine-exercise ang karapatang ito. Most of my cousins who were raised here thinks I should not be like this but what the heck, I respect the people whom I am living with and I care for what they’ll say or think about me.
Kaya ganun na nga, minsan sa isang buwan, nagpapaalam ako at isa ang Sabadong nagdaan sa panahong iyon. Masaya ang salo-salo sa bahay ng kaibigan. Ito lang naman ang palipas oras ng mga Pinoy dito, ang magtipon-tipon sa isang bahay, magsalo-salo sa pagkain, konting inom at kantahan. Espesyal ang araw na ito dahil kaarawan ng isang tropa. Medyo madami-dami ang inumin na nakahanda.
Magulo na ang bawat isa, kanya-kanya na ng biritan sa hawak na mikropono. Merong madrama, merong masaya at meron ding nakakaaliw. Tuksuhan at kantiyawan, kasama na din ang pag-pose sa harap ng kamera. Kanya-kanyang tulakan sabay wika ng isa, “O i-post agad sa friendster yan ah, i-grab ko na lang.” Masaya ang pagsama-samang ganito. Sa tuwina ay nababawasan ang pangungulila ko sa mga mahal ko.
Sa isang sulok, lasing at madrama ay naroon si Trinity. Inaya niya ako sa taas ng bahay at iniwan ang nagkakasayahang tropa sa basement. “Hilo na ako, tara samahan mo muna ako sa taas” wika niya. Iiwan ko na sana siya upang makaagaw ng tulog bago kami magkayayaang umuwi, subalit pagtalikod ko ay muli siyang nagsalita.
Trinity: What’s the most stupid thing that you do?
Shay: Ako, hindi ko alam eh, madami siguro. Why?
Trinity: So you opt not to share anything? …Well, its okay, just listen to me then. This is the burden I keep down in my heart for quite a long time.
At inilahad nga niya ang pangyayaring kanyang nagawa…
It was almost a year after her then boyfriend call it quits between them. He said he can’t continue the relationship without her beside him. Trinity totally understand his situation. Even before they enter their relationship, she knows the score. She is but the second or probably the third among his priority. He still wants to help his family to make himself grow. And having her is such a hindrance, especially that she is far from him. He can’t get any support from her emotionally rather he is tormented with the fact that he can’t hold her whenever he needs her. So he chose to end the relationship rather than mind her.
She felt betrayed but still she tried to be strong. To continue living her life the way it was before. She enrolled herself into short courses. And there, she met Jeppy. Their relationship is a friendly one. Tropa, tsuper kapag gumigimik sila ng barkada sa klase, tagahatid sa bahay. Wala naman talagang hihigit pa sa relasyong iyon maliban sa pagkakaibigan dahil may asawa na si Jeppy.
Minsan, nagkayayaan ang tropa na mamundok. Hindi naman eksaktong mountain climbing kundi magpalipas lang ng gabi sa tabing ilog sa isang malayong bayan. Siyempre pa, tsuper si Jeppy at hindi naman niya i-give-up ang pwesto niya sa van… at un ay sa tabi ni Jeppy. Madami pa silang kwentuhan habang nasa daan habang nagkakagulo naman ang iba sa likod ng van. Madalas, tinutukso sila pero tinatawanan na lamang nila.
Pagdating sa site, tinayo na nila ang kanilang tent. Pasaway ang kasama nilang instructor dahil masyadong na-appreciate ang paligid ay pinaggawa sila ng sanaysay sa kung ano ang kanilang nararamdaman. Ginawa ang outing bilang excuse sa kanilang quiz. Sabay-sabay sa angalan ang iba niyang kamag-aral pero pawang nagsisunod din. Pagkatapos nito, nagkayayaan silang maligo sa ilog. Ninamnam ang lamig ng tubig na nagdulot ng ginhawa sa kanilang pagal sa byahe at habang nilakad na katawan.
Pagsapit ng gabi, kanya kanya na ng gimik ang iba… kanya-kanyang gawa ng bonfire. Siyempre pa, magkaka-umpok sina Jeppy at Trinity at iba pa sa tropa. Nagkayayaang mag-inuman upang palipasin ang lamig na nanunuot sa kanilang katawan. Kanya-kanyang kwento at patawa. Kailangan nila ng flashlight… mayroon kasi silang nais tingnan sa lugar ng falls kaya naman bumalik sa tent niya si Trinity. Kasama niya dito ang dalawang kaklase. Tulog na ang isa, habang ang isa naman ay gising pa ng pumasok siya. Si Mandy, isang tomboy na binibiro ni Trinity. Pinagbabawalan siya ni Mandy na bumalik at uminom pa dahil lasing na daw siya. Natuwa naman siya sa pag-aalala nito subalit sabi niya ay kaya pa niya. Nagulat na lamang siya ng hatakin siya pabalik ni Mandy ng akmang lalabas na siya tangan ang flashlight at hawakan sa dibdib at akmang hahalikan. Nagulat siya sa ginawa nito dahil alam naman niyang makulit lang talaga siya. Ilang buwan na silang magkakasama at alam naman ni Mandy na biruan lang ang sa kanila. Dali-daling lumabas si Trinity ng tent at bumalik sa umpukan na parang walang nangyari.
Lasing na din si Jeppy ng mga panahong ito. Nagkakayayaan ng matulog. Hindi na nais ni Trinity na bumalik sa tent na nakalaan sa kanila, kaya ng humiling si Jeppy na sa van na lamang sila matulog ay sinang-ayunan niya, kasama ang apat pa sa tropa. Kung titingnan ay halos pares-pares sila, pero dahil sa tropa nga, ay di naman sila nag-iisip ng ganun. Isa pa, alam nilang pagdating sa taas ay sa iisang van lamang sila matutulog.
Subalit hindi ganun ang nangyari, may kanya kanyang motibo ang apat nilang kasama at pawang nagsituloy sa kani-kanilang sasakyan kaya naman naiwan si Trinity kay Jeppy. Marahil gusto nya din, dahil kahit papaano ay may nararamdaman na siyang pagkalinga kay Jeppy at dine-deny lamang ito n kanyang isipan.
Kaya naman ng gabing iyon, kahalo ang kalasingan, ang kinikimkim na sama ng loob sa dating kasintahan, ay may naganap sa pagitan nila. Hindi niya matanggap sa sarili ang pangyayaring ito, kaya naman sa kabila ng pagpipigil ni Jeppy ay lumipat siya sa kabilang van at dun natulog. Mailap ang tulog sa kanya, subalit nagpanggap na tunay na naidlip pagsapit ng umaga. Bago bumalik sa campsite ay nagkape muna sila sa tindahan sa taas.
Ng makabalik, pinag-uusapan na sila sa campsite dahil maagang nagising ang kasama nilang instructor. Pero deadma lang ang lahat… matatanda na sila at alam na nila ang kanilang ginagawa, di na sila teenager, dugtong pa nila. At higit sa lahat, malinis ang kanilang konsiyensya.
Nauna sa kurso si Jeppy kaya naman una din siyang natapos. Matapos ang huling subject na kung saan nagkasama sila sa gimik sa ilog ay isang linggo na lamang silang muling nagkasama sa loob ng lecture room. Ng mga panahong yun, iniwasan pa ni Trinity sa disimuladong paraan si Jeppy. Subalit ng panahong di sila nagkikita ay labis niyang na-miss ito.
Sa nangyari sa gimik nila, kasama sa apat na tropa na nakasama nila sa van ay mayroon siyang itinuturing na tatay-tatayan. Alam din nito ang pangyayaring naganap dahil sa confession ng isa nilang nakasama. Dahil may asawa si Jeppy ay pinagsabihan niya si Trinity sa maayos na paraan. Subalit may kakulitan din si Trinity, di niya kayang di man lang makita si Jeppy.
Minsang may inuman na for the boys sa bahay ni Tino (ang tatay figure) ay pinilit ni Trinity na makapunta. May kantahan at labis siyang natuwa ng awitan siya ni Jeppy. At sa pagitan ng pag-awit ay hinagkan siya. Feeling cloud nine siya ng mga oras na iyon habang namumula sa harap ng iba pa sa kaumpukan nila. Lasing si Jeppy, hindi dapat siya pumaroon, pero nangyari na, bahala na, wika niya.
Nais ni Jeppy na ito na ang maghatid sa kanya pag-uwi subalit tinanggihan niya. Salamat kay Tino na nagmagandang loob at umaktong isang mabuting ama na naghatid sa kanya sa bahay.
Dalawang buwan pa ang lumipas at ng muli niyang makita si Jeppy ay nag-aayos ito ng papel para mangibang bansa. Nauna na ang kanyang asawa at susunod lamang siya. Kasama pa si Tino at isa pang kaibigan ng kunin ang ticket nito. Muli iniimbitahan siya ni Jeppy na dumalo sa inuman bilang despedida niya. Iyon ay matapos niyang pasayahin si Jeppy sa likod ng van. Ng mga oras na iyon, sina Tino at isang kaibigan ay bumili ng maiinom sa tindahan habang naghihintay sa taong magdadala ng ticket ni Jeppy. Agency kasi ang nagpalakad sa kanya patungo sa ibang bansa.
Matinding pagnanais na makarating ang naghahari sa kalooban ni Trinity, subalit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil alam niyang mali ang kanyang ginagawa. Mali na ang ginawa nila noong una sa ilog, mali na ang namagitang halik at lalong mali ang ginawa nila sa van. Sa tatlong pagkakataon, naramdaman niyang ibinaba niya ang kanyang sarili. Sobrang baba na hindi niya matanggap kung bakit niya nagawa.
Nakaalis na si Jeppy, gusto sana niyang buksan ang komunikasyon sa pagitan nilang dalawa, kewl lang sa isa sa tropa na nakakaalam ng nangyari, habang si Tino ay siya ang pinagdedesisyon. Sa kabila ng minsanang pangangamusta, pinigil niya ang sariling idagdag si Jeppy sa ym niya. Dati ay tandang tanda pa niya ang yahoo id nito, subalit ngaun ay limot na niya. Ayaw na niyang maalala ang bahaging iyon ng kanyang buhay. Kinakailangan niyang mag-move on. Isa pang nakakatawang pangyayari, ayon sa kanya. Ang bansang pinuntahan ni Jeppy ay siya mismong bansa ring kinaroroonan ng lalaking una niyang minahal. Ang tadhana nga naman.
♥♥♥
Matapos ang kanyang kwento ay hindi ako makakibo, di makapaniwala. Akala ko ay tapos na, na nakatulog na siya… subalit di pa ako tuluyang nakakabuwelong tumayo upang bumalik sa kaguluhan ng tropa ay muli siyang nagsalita…
Trinity: But that is not the most stupid thing I did, there is more, a lot more. One with a whole lot of trouble altogether…
ExTrAvErSiOn
February 12, 2008 at 12:31 am (Personal)



