![]() |
I’m Belle You are the people princess, able to identify with all those around you. You are brave, independent and harbor no ill will towards any human beings or inanimate objects. Your level of compassion for others allows you to see beyond their physical exterior to the inner beauty within. Your true love, albeit hunky, will only reveal himself in due time. You’re Belle! |
Which Disney Princess are you?
February 7, 2008 at 11:04 pm (Personal, kwiz)
Trinity (Kahulugan/Pagpapakilala)
February 7, 2008 at 11:21 am (Kwento-kwento lang, Personal)
Matapos kong limayin ang pangalang napili… naalala ko ang pelikulang Blade: Trinity at siyempre pa ang Holy Trinity. Di ko alam kung may kaugnayan ba ang alinman sa buhay ni Trinity, magkagayunman, ayos lang sa akin, dahil ito naman ang gusto niya.
ayon sa Webster’s New World Dictionary ang kahulugan nito ay:
~ the condition of being three or threefold
~ a set of three persons or things that form a unit
- kondisyon ng pagiging tatlo o sangtatlo
- o pangkat ng tatlong tao o bagay na bumubuo ng bahagi ng isang kabuuan o grupo.
Naisip ko lang, binubuo ba ng tatlo ang pagkatao ni Trinity? Ahh… wag na lang alamin, ang mahalaga sa akin ay ang pagkakilala ko sa kanya, sa kanyang kabutihang ipinapakita sa akin.
Kawangis ko, isang taon na din siya sa lugar na ito, nakikipagsapalaran sa buhay, nangangarap ng para sa ikabubuti ng kanyang sarili. Marami siyang nais maabot, nasi marating, nais patunayan. Pakiramdam niya napagkaitan siya ng kalayaang pumili ng kung ano ang nais niya, nabawasan ang panahong dapat ay igugol niya sa kung ano ba ang pangarap niyang gawin dahil sa madaming tao ang nagdesisyon para sa kanya. Pinangunahan ng ibang tao ang anumang desisyong dapat ay siya ang gumawa… kaya ngayong may kalayaan na siyang gawin ito, ayaw niyang may hahadlang sa kung ano nga ba ang gusto niyang gawin.
Sinimulan niya ang maliliit na hakbang sa pagdedesisyon ng siya lamang. Sa kabila ng anumang balakid ay unti-unti siyang sumusuong upang malagpasan ang mga ito. Sa edad niya, bagamat huli na ang pagsisimula niya ay di pa naman tuluyang huli upang itama niya ang mga kamaliang nagawa niya noon. Madalas na niyang banggitin ang mga kamalian niyang nagawa… ang kalokohan niya, ang mga desisyong nagpagulo lalo sa kanyang buhay. Kasabay nito, sinasabi niyang ang mga karanasang ito ang nagpapatibay sa kanyang pagkatao, na wag agad sumuko at patuloy na lumaban. Na sa bawat pagkadapa niya, muli siyang bumabangon na may bagong aral na natutunan…
Trinity
February 7, 2008 at 11:05 am (Kwento-kwento lang, Personal)
Matagal na namang nabakante ang blog ko… sa mga nagdaang araw, patuloy lamang ako sa pagbabasa ng iba’t ibang blog… humahanga sa kanilang kahusayan, namamangha sa kanilang paraan, tumatawa sa kanilang paglalahad… kasabay nito ang pangangarap na sana minsan, makabuo din ako ng tamang salita… makagawa ng isang prosang tatanim sa isipan ng ibang makakabasa subalit marahil hindi talaga ako pinagpala sa larangang ito, kaya naman ang ginagawa ko na lamang ngayon ay isulat kung ano nga ba ang nilalaman ng aking isip o ng aking puso. Pero madalas, mabigat pa rin sa aking kalooban na ibahagi ang anumang nabubuo sa aking isipan, madalas ako ay nag-aalala kung tama nga bang gawin ko ito, ang ipaalam sa mundo ang katauhan ko… kaya sa tuwinang mayroon na akong sisimulan, sa bandang kalagitnaan, ito ay aking titigilan.
Hanggang makilala ko ang isang kaibigan, masyadong kapanapanabik ang buhay niya, o marahil, kapana-panabik para sa akin ang mga kuwento niya. Nalulugod akong pakinggan ang mga kuwento niya tungkol sa mga ginagawa niya, sa mga taong nakakasalamuha niya. Kaya naisipan kong buuin ang karakter niya dito. Tipong isang heroine, at yun ay kung mapagtatagumpayan kong buuin ang kwento ng kanyang buhay o kundi man kabuuan ay ang bahagi nito. Pinag-iisipan kong mabuti kung ano nga bang pangalan ang ibibigay ko sa kanya. Yun bang sosyal ang dating gaya ng Michelle, Phillip, Eduard, Stephanie, Natalie o Deanne. Pede din namang maka-Pilipinong pangalan gaya ng Josefa, Dante, Adolfo, Teodora o Isadora. Marahil, papangalanan ko siya ng Sam para hindi mailahad ang tunay niyang kasarian. Naikapag-usap ko sa kanya ito, at siya na mismo ang pumili ng pangalan na gagamitin ko. Inihayag niyang gusto niya ang pangalang TRINITY… nagandahan din naman ako sa pangalang ito, nag-suhestiyon pa ngang pedeng bigyan ko ng alyas gaya ng Tin o Tina, subalit di siya pumayag. Gusto niya, kung sakaling isusulat ko ang kanyang pangalan, kinakailangang bubuuin ko ang Trinity. Tiniyak ko namang gagawin ko ito.
Kaya dito na nga magsisimula ang kwento ng buhay ni Trinity…

