Doktor Chuk Chak

Malumbay ang mga mata ni Trinity ngayon, nalalapit na kasi ang schedule ng kanyang pelvic ultrasound.  Di naman siya nababahala sa ultrasound mismo kundi sa buhul-buhol niyang schedule sa trabaho.

Isang babysitter si Trinity at siya ang nangangalaga sa limang batang paslit na pawang nasa Day Care na.  Pagkakatapos ng klase sa paaralan, sinusundo niya ang mga ito sinasamahan sa kanyang tahanan habang ang kanilang mga magulang ay nagta-trabaho.  Alas-singko pa ang sundo sa huling batang nasa kanyang pangangalaga.

Hindi din niya gusto ang ideya ng pelvic ultrasound.  Nyeta, di niya malilimutan ang karanasan niya ng magpa check-up siya at pingerin ng Doktor.  Nadidinig na niya noon sa mga kababaihang may asawa na masakit ang pini-pinger.  Subalit inisip niyang ano ang kaibahan ng pinger na papasok sa kanya dahil kailangan siyang gamutin o checkup-in sa pinger o pribadong bahagi ng kanyang sinta kapag naglalambingan sila.  Kaya malakas ang loob niyang nahiga sa examination table ng Doktor at itinaas ang mga paa sa stirrups.  Pakiramdam niya ay isa siyang buntis na manganganak sa posisyong iyon.  Lantad na lantad ang kanyang pakiramdam sa disposable hospital gown na ipinasuot sa kanya.  Bahala na, iyan ang bukang bibig niya at isinasaloob habang nasa ilalim ng kapangyarihan ng banyagang Doktor na tuloy-tuloy sa pagsasalita at di na minahalaga kung tunay nga bang naiintindihan niya ang pinagsasabi nito.

Sa hinabahaba ng mga satsat, matapos ang routine na pagsalatsalat, ang tanging naunawaan niya ay kinakailangan niyang magpa ultrasound upang magkaroon ng mas malinaw na larawan ang Doktor sa kanyang suliranin.  Matapos siyang pagbihisin ay inatasan siyang tumungo sa laboratoryo upang makunan ng blood sample.  Labis ang kanyang pagtataka sapagkat di man lang siya binigyan ng anumang gamot.

Pak-syet!  Ang malinaw na nawika niya matapos siyang makausap ng babaeng in-charge sa laboratoryo.  Kinakailangan niyang mag-fasting bago kunan ng dugo.  Pak-syet!  Kung alam langn iya, di na sana siya uminom ng gatas bago nagtungo sa klinikang iyon.  Subalit, wala namang siyang magagawa, isang bagay na wala siyang kontrol ang naganap.  Ang inakala niyang pamamaraan ng pag-eksamin sa bansang kanyang pinagmulan, ay iba sa bansang ito.  Bukod sa libre ang kanyang checkup at iba pang gastusin ay tunay namang pinag-aaralan ang iyong inilahad na karamdaman.  Dalangin nya lang, sana nga ay magkaroon ng katugunan sa lalong madaling panahon ang kanyang suliranin.

Pag-uwi ng kanyang munting bahay, siya ay humarap sa kanyang computer at sinumulang alamin kung ano nga ba ang pelvic ultrasound at ito ang kanyang natagpuan.

Ultrasound imaging, also called ultrasound scanning or sonography, involves exposing part of the body to high-frequency sound waves to produce pictures of the inside of the body. Ultrasound exams do not use ionizing radiation (x-ray). Because ultrasound images are captured in real-time, they can show the structure and movement of the body’s internal organs, as well as blood flowing through blood vessels.

Ultrasound imaging is usually a painless medical test that helps physicians diagnose and treat medical conditions.

A pelvic ultrasound provides pictures of the structures and organs in the lower belly or pelvis.

Right ovary - transvaginal showing follicular cysts

There are three types of pelvic ultrasound:

  • abdominal (transabdominal)
  • vaginal (transvaginal, endovaginal) for women
  • rectal (transrectal) for men


Sa tatlong uring nabanggit… naniniwala siyang ang ikalawa ang gagawin sa kanya.  Na napag-alaman niyang muli ay may banyagang instrumento ang ipapasok sa kanyang katawan.  Para sa dagdag kaalaman o larawan ng instrumentong gagamitin o kabuuang artikulo, click [here]

Pero bakit ba gayon na lamang ang pamomroblema ni Trinity.  Sinubukan ko namang palakasin ang loob niya tungkol sa ultrasound, at ayon naman sa artikulong kanyang nakalap ay hindi naman ito tunay masakit maliban lamang sa kaunting discomfort habang isinasagawa ang ultrasound.  Napag-alaman ko na wala palang nakakaalam ng kanyang sitwasyon, na siya’y nagpapa-chekup o di kaya’y na siya’y may pinapasang nakakabahalang karamdaman maliban sa akin.  Di ko alam kung ano ang aking mararamdaman, na ako lamang ang tanging pinagkakatiwalaan niya ng bagay na ito.  Dalangin ko lamang na wala namang masamang resulta kapag natapos na ang kanyang ultrasound.  At siyempre, bago iyon, dalangin kong nawa’y maisaayos niya ang kanyang schedule na naaayon sa kanyang mga adhikain.