Kwentong magulo

Ilang minuto na lang, magpapalit na ang petsa.  A-katorse na ng Pebrero, Araw ng mga Puso.

Waaah!  Buhat ng tumuntong ako sa edad makatapos ang kolehiyo, di ko na masyadong maramdaman ang kilig ng pagsapit ng Balentyns Day.  Naisip ko na lang na gunitain ang panahon na nasa haiskul pa lamang ako, where all girls g0 gaga sa mga panahong ito.  Looking for dates, dreaming of dates… yan ang drama nila o namin pala.  May pakulo pa ang guidance office, that is ang pagpapadala ng liham, bulaklak o tsokolate sa crush mo through SWAK (Sealed With A Kiss…)  Para itong post office na kung saan ihuhulog mo ang iyong liham o regalo for a certain fee.  Di ko na matandaan kung magkano, tila baga sa halagang piso.  Ilang beses ko bang ginamit ang espesyal na post office na ito.  Isa, dalawa… isa bawat taon ko sa haiskul?  Ewan ko, hindi naman kasi ganoon kakulay ang haiskul lyf ko.  Minsan pa ngang napag trip-an namin ng aking mga kaibigan na padalhan ng card ang isa’t isa para lamang masabing may natanggap kami.

Oo na, I’m a loser for doing such thing or agreeing to such.   Pero naman, ng mga panahong iyon at alam naman namang wallflower lang kami sa paaralan, gimik na lang kami para sa aming mga sarili.  Isang lihim na tinatawanan namin.  Kesa naman panoorin na lang namin ang pagbaha ng regalo at kard sa aming kamag-aral na popular di ba?  At least kami, kahit isa lang, kahit pakunwari, meron din namang natanggap… or meron nga ba akong natanggap?

Parang ako lang ang nagpadala sa mga loka loka kong kaibigan ng card ah, pero understandable naman na hindi na nga kami maganda at popular ay di pa kami napapangkat sa mga may kaya.  Tama ng isa sa amin ay iskolar habang ang iba naman ay naghihigpit ng sinturon ang pamilya upang maitaguyod lamang sa haiskul ang anak.

Masayang makulit ang araw ng mga puso… anjan ang mga games na pakulo na din ng aming guro.  Ung aatasan ang isa sa aktibong mag-aaral na maghanda ng palaro bago magsimula ang apatnapung minutong klase.  Na sasamantalahin naman naming pahabain upang di na matuloy ang anumang lecture o quizzes na nakaplano.  Ang kukulit ng games, kanya-kanyang gimik.  Mayroong pusong biniyak matapos ay ibinigay sa babae at lalaki tapos ay hahanapin ang kapares nito.  Dinaya naman dahil nilagyan na ng numero upang mapabilis ang paghahanap… (Ah, tuwina’y dasal ko na makapares ko ang crush ko, pero never namang nangyari.)  Matapos mahanap ang kapares, ay tatayo ang isang klase sa gitnang bahagi ng silid aralan at may ilang katanungang dapat sagutin.  Tanong na tipong wala kang choice, dahil matapos ang isang minuto at di mo nasagot ang limang tanong ng sa palagay nila ay katotohanan, ay konsengkwensya naman ang iyong haharapin.  Mga tanong na nais mong iwasan pero binubuko ka naman ng pili mong kaibigan.  For the sake of fun, ibinubuko nila ang crushes na lihim kong pinakaiingat-ingatan.

Well, tinutukso naman nila ako sa katabi ng crush ko, un ang inaakala nilang crush ko, pero ung isang trulalu kong friend ay kuntodo iling habang sinasang-ayunan ko sila sa kanilang sinasabi.  Pero inabot pa din kami ng kapares ko sa isang minutong palugit na hindi namin natatapos ang mga tanong.  Salamat sa patumpi-tumpi niyang pagsagot.  Ang kapalit, isang halik.  Waaah!!! Isa ba itong bangungot?

Ding! Dong!  (kunwari yan ang tunog!) ng bell.

Labis ang paghinga ko ng maluwag ng tumunog ang bell., tapos na ang klase, wala ng dahilan para sa konsenkwensya.  Walkout na ako dahil lilipat din naman kami ng silid aralan.  ‘Pak-shet‘ ang aking nawatas ng malaman ko kung sino ang hahalikan.. ang crush ko pala at hindi ang aking kapares.  Tinding pagsisi ang aking nadama, pero ok lang, baka ako ay mabuko pa!

Post a Comment