April Fool’s

Hahaha!  Panibagong buwan na naman ngaun… parang iisa lang ang entry ko ng nakaraang buwan ah…

Gayunpaman, tamang-tama ang araw na ito para sa akin.  April fool’s day.  For just today I moved from Winnipeg, MB to St. Laurent, QC.  Such a big decision that if ever i’ll fail, i could blame it to a fool’s decision.  But ofcourse, I odn’t want that to happen… may this day be the start of a new challenge for myself. 

Malamang, madaming nagalit sa ginawa kong decision, pero masasabi ko lang, hindi naman nila alam kung ano talaga ang nagaganap.  Nakikita nila ay ang paimbabaw lang.  Kung di ko ito gagawin, malamang sa institusyon ako pupulutin.  Wag mo ng itanong kung anong klaseng institusyon, just think of something worst and I will most probably be there.

Isa lang naman ang dasal ko, na sana ay maintindihan naman nila kung bakit ko ito ginawa.  Wag namang sanang basta basta na lang humusga ang ibang tao na wala naman talagang alam kundi ang Side A lang ng kwento.  Mga kaibigan, may Side B pa po.  At ako ang Side B na un. 

Wala lang, nabahagi ko lang ito… dahil ng nakalipas na buwan ay gulung gulo pa ang isip ko.. at sana, itong desisyon kong ginawa ngaun ay magdulot ng mabuti para sa akin.  Ipagdasal nyo na lang din ako.  :)