ahhaahahahah!!!
Dahil nga lumipat ako dito sa apartment ng kuya ko at inabot kong sobrang linis, di na muna ako naglibot sa kapaligiran bagkus ay nagsimulang mag imis ng kanyang kabahayan. Siyempre pa, kinailangan ko ding mag empake ulit ng gamit… this time upang isaayos sa aparador.
Marahil, naninibago ako sa lugar o sa panibagong adjustment sa oras kaya naman 430am pa lang ay gising na ako… subalit kinukwenta ko naman ang oras 330am pa lang dun sa lugar na pinaggalingan ko. Pero di na ako nakatulog… naghanap na kung ano-ano sa internet at nanood ng “Dr. Seuss: Horton Knows Who” at nakausap ang isa sa aking mabuting kaibigan sa pinas at isa sa kaibigang nakilala ko sa qatar na kasalukuyang nasa abu dhabi na. Ikasampu na ng umaga ng mag decide kami na tumigil sa pag uusap. Noon na din ako nagsimulang mag-imis dito sa bahay. Inabot na ako ng aking kapatid na hindi nakakatapos sa aking ginagawa.
Nanood muna siya ng ‘lobo’ at ‘kung fu kids’ bago kami lumakad upang maghapunan sa labas. Di na kasi ako nakaluto at tinamad na din dahil medyo pagod na. Masarap ang pagkain dun sa ‘Sariling Atin’… ito ang pangalan ng kainan nina Nanay. Umorder kami ng lumpiang prito, dinuguan at bangus na may suka (ano nga bang tawag dun!!?!?). Tunay na masarap ang luto ni Nanay… kawangis na din ng luto ng Nanay ko na sobrang miss n miss ko na.
Matapos kumain ay bumili kami ng bigas sa katabing Chinese Store. Bumili din ng tocino at longganisa. Natatawa lang ako sa aking sarili dahil parang di pa ako nagsawa… pero yae na, masarap naman kasi.
After nito ay nagtungo kami sa Casino. Napakaganda ng Casino na ito na mayroong apat na palapag… aking napag alaman na dito pala ginanap ang pelikulang ‘Casino Royale’. Sayang lamang at nainip ako sa panonood ng pelikulang ito at di ko na tinapos…
Sa nagpupunta sa Casino, walang nananalo… ito ang napag alaman ko noon pa… pero ewan ko ba, matpaos kong matutong maglaro ng blackjack, marahil, pag muli kaming bumalik… ay maglalaro akong muli.
