Second day ko na dito sa St. Laurent… pag gising sa umaga, as usual laptop na naman ang kaharap ko. Nakausap ko ang aking pinsan na malapit na ding tumungo sa bansang ito, kaibahan lang, sa Surrey siya. Aabutin ng mahigit isang araw ang travel time by land mula dito sa kinaroroonan ko hanggang sa pupuntahan niya. Gayunpaman, excited pa din ako para sa kanya, dahil kahit pa sabihing magkalayo kami, ung thought na nasa iisang bansa kami ay nagdudulot na sa akin ng pakiramdam na magkasama kami.
After namin mag usap ay inihanda ko ang aking sarili at lumabas ng bahay upang mamili ng maliliit na bagay bagay na kinakailangan sa bahay. At nagtungo nga ako sa Dollarama where all things cost $1. Madami dami din ang aking napamili, dahil nakadalawang plastic bag akong malaki… kahit papaano, nagkakaroon na ng itsura ang aming bahay, hindi kawangis ng una kong datnan na parang ayaw kong tumagal kahit saglit… na parang nais kong mag back out mula sa desisong aking ginawa.
All things went well so far… I was able to clean the house yesterday and today, I somehow clean the washroom. Ang plano ay linisin din ang fridge ngaun dahil di ko na din matanggap ang itsura nito, subalit tumawag ang aking kapatid upang ipaalam na aalis kami upang tagpuin ang nagma-may ari ng agency na maaring makatulong sa akin. Kaya naman, maging ang pagluluto ay aking inabandona.
Nakilala ko din si Julie… matagal tagal na din siyang naririto kaya at matagal tagal na din niyang pinatatkbo ang kanyang agency, which turned out to be the same agency who helped my brother’s friend here. Maayos naman ang aming naging pag uusap.
Ipinakilala na din ako ng aking kapatid sa kanyang kaibigan at masarap sa pakiramdam na may makilalang bagong kaibigan na mainit ang pagtanggap ang binigay sa akin.
Pag-uwi ay ipinagpatuloy ko ang naunsiyaming pagluluto at ng matapos ito ay kumain kamng magkapatid. Bago pa lumalim ang gbai ay nakilala ko na din si kua Caloy na isa pa naming makakasama dito sa bahay at muli, nakakasiyang na-appreciate niya ang pagbabagong ginawa ko sa bahay.
