Ilang araw na akong nananaginip ng sandwich mula sa Subway… dangan kasi at may kalayuan ang Subway dito sa bahay. Di ko malalakad… *sad*
Anyways, ung malapit namang puntahan ay narating ko… narating dahil kailangan, kahapon lamang, ika lima ng Abril ay nagtungo ako sa Marche Hawai (isang Chinese Store) upang bumili ng sangkap para sa pagluluto ng spaghetti. Unfortunately, wala silang spaghetti sauce na Del Monte, ang meron lamang ay Hunts na tomato sauce. Di pa ako masyadong expert sa pagluluto ng spaghetti kaya naman ayaw kng ito ang gamitin. Napilitan akong magtungo sa Maxi & Cie (isang Canadian Supermarket) at dito ay nakabili ako ng spaghetti sauce na maari kong gamitin, ung Classico. Iba-iba ang flavor ng Classico at ang nakasanayan ko ng gamitin ay ung Portabelo and Mushroom ba un… basta sya na un! at nagsasawa na ako sa mushroom… so inisip ko kung mag Four Cheese ba ako, Tomato & Basil, Florentine SPinach & Cheese atbp. (for more flavors, click this link). And finally, I settle with Fire Roasted Tomato & Garlic. Ok naman ang kinalabasan ng aking niluto. Hmmm.. yummy!!! Mahalaga ng nakain naman ng kapatid ko, ng isa niyang bisita at ng isa pang kasama namin sa bahay.. at ciempre ako na din.
Matapos namin kumain ay muli na namang natulog ang aking mahal na kapatid. OMG! yan lang ang trabaho nya everytime na nauwi siya ng bahay.. ang matulog! As of now, wala pa akong masyadong marating sa lugar na ito dahil di ko pa alam ang mga lugar… wait lang siya, dahil pag marunong na akong mag bus, ay gagalugarin ko talaga ang lahat ng kaya kong marating.
At mabalik sa Subway… naglalaway pa din ako sa sandwich nila… mamaya pag gising ng kuya, may istorbong maghanap kami ng bukas na Subway, gabi na naman!!! Haaay naku!!!
