Dunkin Donuts

Pag nasa ibang lugar ka, madalas mo pa ding hahanap hanapin ung mga bagay bagay na iyo ng kinasanayan.  Naghahanap ka ng Jollibee o ng Dunkin Donuts, ung tipong ganyan.  Kahit pa meron namang McDonald, Burger King atbp.

Isang araw, lumabas ako ng bahay upang tagpuin ang isang taong maaaring makatulong sa akin.  Kami ay nag usap, nagkwentuhan, nag ikot ikot.  Bago kami maghiwalay, ako ay nagtanong sa kanya… aking inilahad na ako naman ay may bus pass, san ba ako maari pang mag ikot sa mga oras matapos naming maghiwalay.  Kaya naman itinro nya sa akin ang aking sasakyan at bababaan.

Buhat sa lugar na  aming pinaghiwalayan, sinabi niyang bababa ako sa Villa Maria Metro, doon ay sasakay ako ng tren patungong Montmorency at muling bababa sa Lionel Groulx, dito ay kukunin ko naman ang Honore-Beaugrand at bababa ng McGill.  Itong McGill ay kinaroroonan na ng isang malaking mall.  Naaliw naman ako sa paglalakad at pag wi-window shop… nag enjoy lalo na ng makita ko ang Dunkin Donuts… ewan ko ba, parang nais kong hagilapin ang aking cellphone at kunan ng larawan ang Dunkin Donuts, di ko naman ito ginawa dahil panget ang resolution ng camera fon ko… antigo na kasi.

Di ko naman magawang um-order at kumain dahil busog pa ako ng mga mga oras na iyon… ang nakakatawa lang nito, ng makakakita ako ng Buble Tea (kawangis ito ng Zagoo dangan at fresh fruits ang sangkap) ay na-engganyo akong bumili.  Naisip ko lang, kahit pa makita ko ang mga kainang hinahanap-hanap ko, kapag nasa harapan ko na, nagbabago ako ang isip ko… takaw sa isip lang, pero pag anjan na, wala na… haaaaay!!!

Ng magsawa at mapagod ako sa kalalakad, bumalik lang akong muli sa Metro (tawag sa istasyon ng tren) at bumalik sa kaing pinanggalingan, this time, pagkagaling ko ng Lionel Groulx ay dun na ako sa Cote Vertu bumaba, dahil dito ko na kukunin ang bus patungo sa aking tinutuluyan.