Nangungulila kong puso
Sa iyo ay sumasamo
Isang sulyap, isang ngiti
Sana’y ipagkaloob mo
Lagi sa aking alaala
Kailanman ay di nawala
Panahong ikaw’y kasama
Noong tayo pa
Subalit ikot ng mundo
Sa atin ay nabago
Kinailangan kong lumayo
Ikay ay iniwan ko
Pangyayaring di kontrol
Doon sa bansang ‘yon
Kaya masakit man sa loob
Tayo ay nagkalayo
Milya-milyang pagitan
Sa atin ay humadlang
Pag-ibig mong minsan
Akin pa kayang makamtan

nanay belen said,
May 29, 2008 at 12:21 am
pinili mong lumayo?
just hopping
Shayleigh said,
May 29, 2008 at 12:34 am
elo nanay belen, salamat sa pagdaan…
di naman exactly lumayo dahil ginusto, kundi dahil sa sirkumstansya. then dahil malabong magkasama at mahirap ang LDR, nag decide na maghiwalay na… T_T
GODDESS said,
June 3, 2008 at 10:00 pm
ha????? mare, anong nangyari? wala na as in it’s over??? kailangan ng matinding kwentuhan nito! sayang 6 na oras na drive ka from me, kung sana diyan ka lang sa mississauga, niyaya na kitang uminom.. pero ikaw lang iinom ha. quit na ko sa toma, eh.
kwento mare, dali!
Shayleigh said,
June 4, 2008 at 9:22 am
waaaaaahhhh!!!
ang labo ng tulang ito!!!
kasing gulo ng isip ko habang ginagawa ko…
pero sayang talaga, masyadong malayo ang 6 hours drive.
linawin ko na lang pag magkausap tayo ah…
bawal ang quit sa toma… pede naman ang moderation eh.. hhehehe!!!
chroneicon said,
June 8, 2008 at 1:26 pm
nakakalungkot naman…
Shayleigh said,
June 8, 2008 at 9:32 pm
yes, ganun na nga… pero move on lang… kaya eto, ng mag move, panibagong LDR na naman… sana nga magtuluy tuloy ito at di magsawa.
GODDESS said,
June 17, 2008 at 11:43 am
anu mare?? walang bago???
lethalverses said,
June 18, 2008 at 12:45 am
shayleigh!!! kinilabutan ako sa tula mo… ang ganda, pero ang lungkot…
pero wag mong sayangin ang talent! magsulat ka na ulit ng bago!!!
Shayleigh said,
June 19, 2008 at 8:58 pm
@GODDESS: laging pagod! di makabuo ng bago.
@LV: thank you! pag malungkot lang ako nakakabuo ng matino ng konti eh. pag masaya, sabog!!!
GODDESS said,
June 24, 2008 at 4:08 pm
mangungulet ako dito!! asan ka na?? miss ko na ang kuya mo.. este ang chat natin hipag! hahhahaa!
aj said,
June 30, 2008 at 9:39 pm
neh…. doshte nandawo onee-chan??? home sick lang yan!!! umuwi ka na lang kasi hehehehe! =P
Shayleigh said,
July 1, 2008 at 3:45 pm
@GODDESS sister/hipag, sorry ah, laging pagod sa work, di na makatagal OL, di din makabuo ng bagong mai-post.
@AJ wahahaha!!! salamat naman naligaw ka… at talagang sinagad ang pagbabasa? hindi busy? ako laging pagod… haaaisst!!!
jimg29 said,
July 16, 2008 at 10:01 pm
xiempre naman
true love…kapalaran
nagwe-wait, naghihintay
sa sinumang nilalang
‘wag mag-alala
puso ma’y dumurugo
may nakalaang ligaya
at papawi ng siphayo