Jologs!!!

Oo!  Jologs na kung jologs!  Pero walang pakialaman… “I LOVE BETTY LA FEA”  hahahah!!! 

Naku, super naloloka na ako kay Armando, haaaay.  Kaya naman after work, diretso na ng uwi ng bahay, mag dinner, mag shower, sandaling makipaglaro sa aking pamangkin/makipag usap sa aking hipag at kapatid.  At go na sa harap ng laptop para mapanood si Betty.  Ayyy… ang sarap ma-inlab. 

Siyempre pa, never ding kinakalimutan ang panonood ng Bleach.  Ang superhero ng buhay ko, si Ichigo!!!  Matapos pagtiyagaang panoorin ang orihinal na bersyon nito tuwing araw ng Martes, panonoorin namang muli ang may English subtitle tuwing Miyerkules.

Wala lang, ganyan lang ang buhay… piliing maging masaya sa mga mumunting bagay.  Malungkot na nga ang maging malayo, gagawin pa bang kumplikado, di bah?!

Tapos ngayon, naloloko na naman ako sa Spider Solitaire at balik Sudoku na naman.  At diario sa Metro, tuwina’y kinokolekta ko sa umaga.  Target ko ng matapos ang unang sudoku bago bumaba ng tren sa Cote Ste. Catherine at ang ikalawa ay bago makarating sa bahay ng aking employer.  Alinman sa dalawa ang di ko matapos ay akin namang babalikan sa pagbiyahe ko pauwi.  Then pag uwi ng bahay, habang nanood kay Betty… or nakikipag chat, nagsasagot pa din ng Sudoku… haaay naku.. adiktus na naman si ako!

Yan ang dahilan kung bakit di ako makapaglathala ng matinong blog.  Kahit pa habang nagtatrabaho ako… may naiisip akong paksa… pagkaharap ko na ang computer… wala na… busy na ang aking mga daliri at mata sa iba pang bagay bagay.  At ngayon nga ay antok na…

Good night!  :D

6 Comments

  1. November 30, 2008 at 9:49 pm

    Hay nako! Hindi ko alam kung bakit dito sa Singapore eh wala kaming Betty la Fea sa TFC. Ampucha sana inalis na lang ‘yung Pieta. O kaya ‘wag na lang ipalabas ‘yung Eva Fonda. Grrr… *LOLz*

  2. Shayleigh said,

    November 30, 2008 at 10:35 pm

    hehhehehe!!! actually wala din kaming TFC dito. I do watch Betty La Fea sa pinoychanneldottv. ^_^

  3. GODDESS said,

    December 3, 2008 at 9:38 am

    hipag!! ayun, o, nakadalaw din.. sos!! alam mo na, ang hipag mo, madaming raket! magwi-winter na at madaming may kailangan ng pampainit kaya naman kayod kalabaw na naman ako.. hahahhaa!!! i miss you, hipag! at muli, pasensya na at hidni kita nadalaw ngayong taon na ito. sana sa susunod na taon, magkita na tayo!

  4. Shayleigh said,

    December 3, 2008 at 10:31 pm

    no problem hipag. jan ka lang naman at dito lang ako… in time, magkikita din tayo. ^_^

  5. Axel said,

    December 13, 2008 at 12:14 am

    Masarap din maging jologs paminsansan…

  6. Shayleigh said,

    December 20, 2008 at 9:08 pm

    anong paminsanan lang?
    pag may toyo.. walang pakialaman!!! ahahahah!!!


Post a Comment