Napanood ko ang Caregiver movie ni Ms. Sharon Cuneta a couple of months ago… and no, hindi sa big screen kundi sa uploaded movie sa internet. Actually, si kuya ang nakahanap ng movie na un… medyo malabo ang kopya pero ok na din… so far, naintindihan naman ang kabuuan ng kuwento.
Reaksyon?! Hindi ko alam… magkaibang magkatugma ang opinyon namin ni utol. Nakaramdam ako ng sama ng loob dahil sa katapusan nasira ang pamilya ng pangunahing tauhan dahil pinili ng kanyang asawa na bumalik ng bansa. Wari ba ay nakaramdam ako ng galit sa aking dibdib dahil sa pangyayaring ito. Na dahil lang nakaalis ng bansa at nakatikim ng buhay sa bansang banyaga ay di na ninais pang bumalik sa bansang pinagmulan at ipinagpalit ang pamilya. Subalit kapag iniisip ko naman ang katayuan ng pangunahing tauhan bilang babae, ang kanyang personalidad na tuluyang maglalaho kung susunod siya sa kanyang asawang may maling prinsipyo. Na inayawan ang trabaho dahil di makuha ang gusto. Sabi ko naman sa aking sarili ay buti nga sa iyo, marapat nga lang na iwan ka ng iyong asawa.
Sa puntong iyon di kami nagkasundo ni utol. Dahil para sa kanya, dapat pa ding sumunod ang babae sa lalaki, dahil mag-asawa sila. Paumanhin sa masasagasaan ng aking opinyon… sapagkat old school para sa akin ang susunod na lang palagi ang babae sa kagustuhan ng kanyang asawa. Dahil kung magkakagayon, mawawalan na ng sariling identidad ang isang babae. Ano ba yun? Matapos niyang i-give-up ang kanyang career bilang guro para lamang sumunod sa kanyang asawa at maging caregiver… muli siyang pababalikin ng bansa, kung kailan natutuhan na niyang lunukin ang hirap ng pagiging isang caregiver? Tama lang naman sigurong minsan na niyang sinunod ang kagustuhan ng kanyang asawa di ba?
Haaayyyy… opinion are clashing in my mind… ewan ko ba?
You see, I thought this movie will have a great impact in my life. For those who don’t know, I am a caregiver myself. But unlike the lead character in the movie, I am not working in a nursing home but on one particular house. I had the desire to watch the movie to see how real it could be and when I finally saw it, I can’t accept the reality that it shows.
I am a caregiver. Being which, I have a caregiver friends as well. Us are the real story of what happen into a caregivers life, of what’s going on in our head, in our heart and in our mind… Maybe from time to time, when theres a chance… as when the exhausted body seeks a restful day and a weary heart aspire for someone to listen, to understand, maybe by then I’ll share bits and pieces of memories of our experiences. Of the desires of our hearts. Of our ups and down.
Or maybe, of my own…
