When it rain, it pours… and I’m drowning…
But hey!  It’s snowing… so it’s a snowstorm,
And I’m covered all over, urgh!

Ka-bad trip… kaka-upset, eto na naman ang mood kong magulo.  Tila bang lahat na lang big deal ngayong panahong ito.

Sobrang miss na miss ko na naman ang Pinas, ang magulang ko at ang buhay na iniwan ko.  Ang buhay na kinasanayan.  Unti-unti na naman akong nakararamdam ng pagkapagal sa aking ginagawa.  Sinasawaan ko na naman ang pang araw-araw kong aktibidad.  Nais ko nang sumuko!!!

Kundangan kasi at ayaw pumatak ng suwail kong luha, upang kahit papaano ay lumuwag ang aking dibdib.  Upang kahit konti ay maibsan ang bigat na dinadala ng aking dibdib.  Bakit nga ba kay dali kong tawanan ang lahat, na wari bang ito’y simple lang.  Subalit sa kabila ng malutong na halakhak o ng mabining ngiti, sa kaibuturan ng aking dibdib ay nakasiksik ang pait, ang dusa.  Isang uri ng pait na lumalamon sa aking katinuan, na nagpapagupo sa aking katawan, na humihila sa aking karimlan.

Paumanhin, subalit kailangan ko lamang ilabas ang mga ito.  Sa bawat salitang nalilimbag sa lathalaing ito ay tila ba mumunting aspileng napapalis sa aking dibdib.

Ang hirap mag isa.  Ang hirap ng walang kasama.  Ang hirap ng walang nakaiintindi at nakakaunawa.  Ang hirap maging matatag.   Subalit ano pa nga bang magagawa, sa kabila ng hinagpis at dusa ay kinakailangang magtiis.   Huwag hayaang magwagi ang kaisipang may pait. 

Argh!!! Ewan ko ba!

2 Comments

  1. Arian said,

    March 3, 2009 at 10:52 am

    First blog I read after wakeup from sleep today!

    —————————-
    Are you tension? panic?

  2. Shayleigh said,

    March 3, 2009 at 1:48 pm

    ohhh… I feel bad!!! I wrote it but I don’t think its a good thing to read as soon as you wake up from sleep.


Post a Comment