Malungkot ka na naman ba?

Sa aandap-andap na liwanag
Ikaw ay sumubok na pumisan
Pusong hukot; nanlalamig
Dito ay umaamot ng konting init

Isipan ay tuwinang naglalakbay
Pilit tinatawid lawak ng karagatan
Tanging hangarin ay mapadpad
Sa dako pa roong siyang sinilangan

Tagumpay na minimithi at di pa abot
Sa pagkakabitin tali ay di pa gapok
Taong lumipas di nakapawi ng kirot
Tadhana nga bang maging malungkot

it’s been a while

it’s been a while since i last visited this blog.   it’s been a while that i let myself be occupied with my surroundings.  trying to be very busy that i almost drop to bed as i got home.  yet still, regardless of tiredness from work and other activities my mind keep on wondering back home.

“ano ba? tiis ka lang, ilang buwan na lang eh.  kaya mo yan!”

“uuyyy, ano ka ba, buti nga wala kang alagang bata.”

“tiis lang ba.”

but then, i am on the end of the rope.  (feels like) seems like no more patience was left into me.  or maybe, this is just one of those days…

When it rain, it pours… and I’m drowning…
But hey!  It’s snowing… so it’s a snowstorm,
And I’m covered all over, urgh!

Ka-bad trip… kaka-upset, eto na naman ang mood kong magulo.  Tila bang lahat na lang big deal ngayong panahong ito.

Sobrang miss na miss ko na naman ang Pinas, ang magulang ko at ang buhay na iniwan ko.  Ang buhay na kinasanayan.  Unti-unti na naman akong nakararamdam ng pagkapagal sa aking ginagawa.  Sinasawaan ko na naman ang pang araw-araw kong aktibidad.  Nais ko nang sumuko!!!

Kundangan kasi at ayaw pumatak ng suwail kong luha, upang kahit papaano ay lumuwag ang aking dibdib.  Upang kahit konti ay maibsan ang bigat na dinadala ng aking dibdib.  Bakit nga ba kay dali kong tawanan ang lahat, na wari bang ito’y simple lang.  Subalit sa kabila ng malutong na halakhak o ng mabining ngiti, sa kaibuturan ng aking dibdib ay nakasiksik ang pait, ang dusa.  Isang uri ng pait na lumalamon sa aking katinuan, na nagpapagupo sa aking katawan, na humihila sa aking karimlan.

Paumanhin, subalit kailangan ko lamang ilabas ang mga ito.  Sa bawat salitang nalilimbag sa lathalaing ito ay tila ba mumunting aspileng napapalis sa aking dibdib.

Ang hirap mag isa.  Ang hirap ng walang kasama.  Ang hirap ng walang nakaiintindi at nakakaunawa.  Ang hirap maging matatag.   Subalit ano pa nga bang magagawa, sa kabila ng hinagpis at dusa ay kinakailangang magtiis.   Huwag hayaang magwagi ang kaisipang may pait. 

Argh!!! Ewan ko ba!

Happy New Year!

New Year, new challenges we have to face.  Seems similar at times but we have to work hard in each day to survive.

We have different struggles to face as we venture on our everyday journey.  There could be times that we jump with glee or feel like floating but there could also be times that we succumb to darkness and obscurity.  As we fall in the pit of blackness or leap with joy and ecstasy.  Always remember we have friends and loved ones who are always with us supporting and guiding us in this journey.  And most of all we have God who knows and see our true worth above anyone else.

To all of you who had been a good friend of mine in this world known as blogosphere.  Thank you for the past year we shared.  And looking forward for a more exciting year for all of us.  La Bonne Anne!!!

Caregiver

Napanood ko ang Caregiver movie ni Ms. Sharon Cuneta a couple of months ago… and no, hindi sa big screen kundi sa uploaded movie sa internet.  Actually, si kuya ang nakahanap ng movie na un… medyo malabo ang kopya pero ok na din… so far, naintindihan naman ang kabuuan ng kuwento.

Reaksyon?!  Hindi ko alam… magkaibang magkatugma ang opinyon namin ni utol.  Nakaramdam ako ng sama ng loob dahil sa katapusan nasira ang pamilya ng pangunahing tauhan dahil pinili ng kanyang asawa na bumalik ng bansa.  Wari ba ay nakaramdam ako ng galit sa aking dibdib dahil sa pangyayaring ito.  Na dahil lang nakaalis ng bansa at nakatikim ng buhay sa bansang banyaga ay di na ninais pang bumalik sa bansang pinagmulan at ipinagpalit ang pamilya.  Subalit kapag iniisip ko naman ang katayuan ng pangunahing tauhan bilang babae, ang kanyang personalidad na tuluyang maglalaho kung susunod siya sa kanyang asawang may maling prinsipyo.  Na inayawan ang trabaho dahil di makuha ang gusto.  Sabi ko naman sa aking sarili ay buti nga sa iyo, marapat nga lang na iwan ka ng iyong asawa.

Sa puntong iyon di kami nagkasundo ni utol.  Dahil para sa kanya, dapat pa ding sumunod ang babae sa lalaki, dahil mag-asawa sila.  Paumanhin sa masasagasaan ng aking opinyon… sapagkat old school  para sa akin ang susunod na lang palagi ang babae sa kagustuhan ng kanyang asawa.  Dahil kung magkakagayon, mawawalan na ng sariling identidad ang isang babae.  Ano ba yun?  Matapos niyang i-give-up ang kanyang career bilang guro para lamang sumunod sa kanyang asawa at maging caregiver… muli siyang pababalikin ng bansa, kung kailan natutuhan na niyang lunukin ang hirap ng pagiging isang caregiver?  Tama lang naman sigurong minsan na niyang sinunod ang kagustuhan ng kanyang asawa di ba?

Haaayyyy… opinion are clashing in my mind… ewan ko ba?

You see, I thought this movie will have a great impact in my life.  For those who don’t know, I am a caregiver myself.  But unlike the lead character in the movie, I am not working in a nursing home  but on one particular house.  I had the desire to watch the movie to see how real it could be and when I finally saw it, I can’t accept the reality that it shows.

I am a caregiver.  Being which, I have a caregiver friends as well.  Us are the real story of what happen into a caregivers life, of what’s going on in our head, in our heart and in our mind… Maybe from time to time, when theres a chance… as when the exhausted body seeks a restful day and a weary heart aspire for someone to listen, to understand, maybe by then I’ll share bits and pieces of memories of our experiences.  Of the desires of our hearts.  Of our ups and down. 

Or maybe, of my own…

Walang Titulo

Nangungulila kong puso
Sa iyo ay sumasamo
Isang sulyap, isang ngiti
Sana’y ipagkaloob mo

Lagi sa aking alaala
Kailanman ay di nawala
Panahong ikaw’y kasama
Noong tayo pa

Subalit ikot ng mundo
Sa atin ay nabago
Kinailangan kong lumayo
Ikay ay iniwan ko

Pangyayaring di kontrol
Doon sa bansang ‘yon
Kaya masakit man sa loob
Tayo ay nagkalayo

Milya-milyang pagitan
Sa atin ay humadlang
Pag-ibig mong minsan
Akin pa kayang makamtan

Minsan

Photobucket

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang itinatakbo ng isip ko. Kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari sa buhay ko, sa sarili ko. Masyadong malabo ang itinatakbo ng aking isipan. Idagdag pa ang digmaang nagaganap sa aking damdamin. Napapaisip ako, ako ba ay isang salawahan? Wala ba akong ipinagkaiba sa mga babaing nanakit sa damdamin ng mga kaibigan ko sa mundo ng blogosperyo. Hindi naman sana ganun. Pero ewan ko ba, sobrang gulo talaga ng isipan ko.

Hayaan nyong ilahad ko ang nagaganap na digmaan sa aking puso…

Minsan nagmahal ako. Unang pag-ibig habang nasa banyagang bansa. Nauna ako ng isang buwan sa pagparoon sa bansang iyon, kaya naman pagdating niya ay ako ang halos naging guide nya sa lugar. Magkasama kaming naghanap ng trabaho. Share sa pagbabayad ng taxi (since iyon lamang ang means of transportation). Naging mabuti kaming magkaibigan at makalipas nga ang walong buwan ay dinala namin sa panibagong antas ang aming pagkakaibigan. Masaya naman kami, kundi nga lamang sa wala pang isang buwan matapos naming lagyan ng kulay ang aming pagkakaibigan ay kinailangan kong bumalik ng bansa.

Sinubukan naming ipagpatuloy ang nasimulang relasyon, subalit naging mahirap ito para sa kanya dahil siya ang naiwan. Dumating sa puntong sobra siyang na-depress at muntik ng magdesisyong umuwi. Mabuti na lamang at naroon ang kanyang kapatid upang suportahan siya, aliwin at bigyan ng rational na paliwanag sa kung ano ang maaaring mangyari sa kanya kung uuwi sya. Sa kinalaunan, napagpasyahan niyang putulin ang aming relasyon at sinubukang makalimot.

Ilang buwan kong ininda ang napagkayariang desisyon. Desisyong hindi ako kinonsulta man lamang. Basta na lamang natapos ang lahat.

Dahil sa pangyayaring ito kaya naman kumuha ako ng traning para pumarito sa bansang kinaroroonan ko ngayon. Sa training nakakilala ako ng kaibigan na siya kong napaghingahan ng sama ng loob sa naganap sa unang relasyon. Naging napakabuti niya sa akin at nagsilbing isang Ate na nagpapaalala sa tuwing nakikita niyang makasisira sa akin ang desisyong aking ginagawa. Tinulungan niya akong makalimot, inaliw. Dalawa silang naging mabuti kng kaibigan. Isang mistulang ama at isang ate.

Matagal ang hihintaying proseso sa pag-aayos ng aking dokumento kaya naman nagdesisyon akong maghanap muna ng trabaho. Una ay isang Sales Representative/Secretary ng isang Aircon Company na hindi ko tinagalan. Nagdesisyon akong muling tumigil bagkus ay tulungan ang aking kapatid sa kanyang bagong itatayong negosyo. Ang computer shop.

Makalipas pa ang ilang buwan ay muli akong nagdesisyong maghanap ng trabaho. Ng hindi ung halos nasa bahay lang at nakatunganga sa shop (dahil ang computer shop ay nasa ilalim ng aming bahay). Na-empleyo ako sa isang bangko na hindi naman nalalayo sa aming bahay. Nakakatawa lang ako, dahil naghanap ng trabaho, pero hindi naman nalayo sa mismong tahanan ng aking magulang.

Sa bangko ko nakilala siya. Siya na nagbigay ng bagong kulay sa aking buhay. Masyadong naging mabilis ang pagkakapalagayang loob namin. Natapos na din ang kontrata niya sa bangko habang ako ay patuloy na nagtatrabaho doon. Wala namang ipinagkaiba dahil madalas pa din kaming magkita dahil ang kanyang kapatid ay isa sa Branch Manager.

Dumating ang panahon nasa finalization na ang aking mga dokumento. Siya ang kasa-kasama ko sa pag aayos ng papeles. Tagapagbigay suporta at lakas loob sa panahon ng aking interview at medical exam. Nahahati ang loob ko lalo na ng matanggap ko na ang aking Visa. Sapagkat tunay ngang wala ng atrasan ang aking pag alis. Sa mga panahong ito kami nangako na sa aking pagbalik, lalagyan namin ng bigkis ang amng relasyon.

Subalit ngayon, makalipas ang mahigit isang taon, puso ko ay nag aalangan. Handa na ba akong humarap sa ganoong stage ng buhay? Siya na ba talaga? Kami na ba talaga?

Muling nabuksan ang komunikasyon sa pagitan namin ng una kong kasintahan. Di ko maiwasan ang ipagkumpara silang dalawa. Kaya naalangan ako ngayon. Alam kong mali ang aking ginagawang pagkukumpara dahil magkaiba silang tao, iba ng prinsipyo at pananaw sa buhay subalit paano nga ba?

Minsan, sabay kaming nangarap… ngayon, unti unti na nyang naaabot ang realisasyon ng aming pinangarap.

Minsan, sabay kaming nangarap, subalit hanggang ngayon, di siya gumagawa ng sapat ng effort upang matupad ang aming mga pangarap.

Minsan, nagmahal ako subalit pinaghiwalay kami ng sirkumstansyang di namin kayang sakupan at lubos kong nauunawaan ang konsekwensya.

Minsan, nagmahal ako at patuloy na nagmamahal subalit meron akong pag-aalinlangan.

Di ko alam kung ano ang aking gagawin, labis akong naguguluhan. Sana minsan tuluyan ko ng mahanap ang kasagutan sa naguguluhan kong isipan.

« Older entries