September 6, 2009 at 8:41 am (Matalinghaga (nga ba?!), dramatik)
Sa aandap-andap na liwanag
Ikaw ay sumubok na pumisan
Pusong hukot; nanlalamig
Dito ay umaamot ng konting init
Isipan ay tuwinang naglalakbay
Pilit tinatawid lawak ng karagatan
Tanging hangarin ay mapadpad
Sa dako pa roong siyang sinilangan
Tagumpay na minimithi at di pa abot
Sa pagkakabitin tali ay di pa gapok
Taong lumipas di nakapawi ng kirot
Tadhana nga bang maging malungkot
Leave a Comment
May 23, 2008 at 7:35 pm (Matalinghaga (nga ba?!), dramatik)
Nangungulila kong puso
Sa iyo ay sumasamo
Isang sulyap, isang ngiti
Sana’y ipagkaloob mo
Lagi sa aking alaala
Kailanman ay di nawala
Panahong ikaw’y kasama
Noong tayo pa
Subalit ikot ng mundo
Sa atin ay nabago
Kinailangan kong lumayo
Ikay ay iniwan ko
Pangyayaring di kontrol
Doon sa bansang ‘yon
Kaya masakit man sa loob
Tayo ay nagkalayo
Milya-milyang pagitan
Sa atin ay humadlang
Pag-ibig mong minsan
Akin pa kayang makamtan
13 Comments
May 5, 2008 at 9:20 pm (Matalinghaga (nga ba?!))
Sitting in the corner, wondering
Of the promises I made before leaving
A promise to love and to cherish
The time we shared prior my departing
This love I hold and I cared for
For the past year you alone is in my mind
Though there are times I tell the world
That I don’t need or love you anymore
Through the night I think of you
Always hoping that I am beside you
Sharing our dreams, snuggling
Just be intimate with each other
But lo, this are all but imaginations!
An illusion that I keep to move on
Something close to a dream but are not
All but cold kisses and empty embrace
Maybe tonight I’ll dream again
And feel the warmth I’m so familiar with
Maybe tonight I’ll be beside you
Or maybe its all but a wistful thinking
4 Comments
February 9, 2008 at 1:46 pm (Kwento-kwento lang, Matalinghaga (nga ba?!), Personal)
Ala una y medya na, wala pa ding nangyayaring matino sa buhay niya, nakaupo, nag-iisip, nangangarap…
Sa bawat pagdapyo ng hanging malamig na lumulusot sa maliit na siwang pinto,
Kasabay ng paglalakbay ng kanyang isipan sa dako pa roon, ang isang imbing pangarap.
Minsan, napakahirap talagang ilayo ang sarili sa burak ng kasalanan…
Isang magnetong humihila sa kanyang kahinaan…
Batubalaning humihigop sa depensang kanyang inilaan
Sumisiding pagnanais na hanggang isipan na lamang.
Madaming pagsubok ang sa kanya’y dumarating…
Sakit, pagpanaw, kahinaang sakdal hitik…
Isipan ay nais sumuko, katawan’y nais bumigay,
subalit patuloy ang pag-agos ng buhay.
Kagabi ay puyat sa pelikula’y bumabad
Sa computer tumanga, buhay ay isinulat
Sa hapag ay umupo, nag-isip, nangarap
Puso ay nagnais kapalaran ay makamit
Hirap ang isipang tanggapin ang lahat…
Pasakit, paghihirap, saya at galak
Sa iba ay humaharap, ngiti ay nakapaskil
Halakhak ay matunog… labi ay di tumitigil
Lahat ay kinakausap, kinakaibigang tiyak
Nakikihati sa ligayang kanilang nasasalat
Umiinom, nagpapakalango, umuuwing pagal
Upang bagyo ng damdamin ay maiwasan ng hangal
Hangal ang pusong magpanggap, gumayak
Na tila ba malakas at tunay na matatag
Ngunit sa dilim ng gabi ay nananangis
Ganyan na nga lamang ang buhay, sakbibi ng hilahil…
Leave a Comment
January 15, 2008 at 6:50 am (Matalinghaga (nga ba?!), Personal)
Up from the sky
Through the blowing wind
I whisper your name
To the eagle that was coming
I asked the clouds above
I beg every particles of air
I request the blue sky
To brighten up my way
I travelled miles and beyond
Just to see your smile
I fly oceans apart
To feel the warmth of your hugs
I am so lonely and crying
Longed to be cradled in your arms
Someday when realization comes
You and I will no longer be a dream
Leave a Comment
January 14, 2008 at 10:13 pm (Matalinghaga (nga ba?!), Personal)
Ang Binhi
Ang binhi
Itinanim, ipinunla
Diniligan, kinalinga
Inalagaan, inaruga
Minahal ng kusa.
Ang binhi lumago
Tinanaw yaong puno
Inasam, sinamo
Sinambang totoo
Ngayon nga’y puno na
Kapantay niyaong una
Daho’y namayagpag
Ulap ay kinawayan
Yaring puno’y tumanaw
Sa paligid, sa parang
Umasam ng higit pa
Nangarap ng kakaiba
Puno’y nakalimot na
Sa unang kumalinga
Gumawa ng sariling pasya
Di na nakinig sa iba
Nag-aruga’y matanda na
Tuyo at limot na
Umiiyak, nagdurusa
Sa kapalaran ng inaruga
Bagong puno naglakbay
Desisyon ay napariwara
Wala ng babalikan
Nag-aruga’y pumanaw na
Bagong puno ay nagsisisi
Ngunit kahit anong hikbi
Nakaraa’y di maibabalik
Katotohanan dapat ng harapin
Aral ay natutunan
Sa masakit na paraan
Di malilimutan
Laging tatandaan…
Leave a Comment