December 20, 2008 at 9:38 pm (Kwento-kwento lang, Pelikulang napanood, dramatik, once in a caregiver's life)
Napanood ko ang Caregiver movie ni Ms. Sharon Cuneta a couple of months ago… and no, hindi sa big screen kundi sa uploaded movie sa internet. Actually, si kuya ang nakahanap ng movie na un… medyo malabo ang kopya pero ok na din… so far, naintindihan naman ang kabuuan ng kuwento.
Reaksyon?! Hindi ko alam… magkaibang magkatugma ang opinyon namin ni utol. Nakaramdam ako ng sama ng loob dahil sa katapusan nasira ang pamilya ng pangunahing tauhan dahil pinili ng kanyang asawa na bumalik ng bansa. Wari ba ay nakaramdam ako ng galit sa aking dibdib dahil sa pangyayaring ito. Na dahil lang nakaalis ng bansa at nakatikim ng buhay sa bansang banyaga ay di na ninais pang bumalik sa bansang pinagmulan at ipinagpalit ang pamilya. Subalit kapag iniisip ko naman ang katayuan ng pangunahing tauhan bilang babae, ang kanyang personalidad na tuluyang maglalaho kung susunod siya sa kanyang asawang may maling prinsipyo. Na inayawan ang trabaho dahil di makuha ang gusto. Sabi ko naman sa aking sarili ay buti nga sa iyo, marapat nga lang na iwan ka ng iyong asawa.
Sa puntong iyon di kami nagkasundo ni utol. Dahil para sa kanya, dapat pa ding sumunod ang babae sa lalaki, dahil mag-asawa sila. Paumanhin sa masasagasaan ng aking opinyon… sapagkat old school para sa akin ang susunod na lang palagi ang babae sa kagustuhan ng kanyang asawa. Dahil kung magkakagayon, mawawalan na ng sariling identidad ang isang babae. Ano ba yun? Matapos niyang i-give-up ang kanyang career bilang guro para lamang sumunod sa kanyang asawa at maging caregiver… muli siyang pababalikin ng bansa, kung kailan natutuhan na niyang lunukin ang hirap ng pagiging isang caregiver? Tama lang naman sigurong minsan na niyang sinunod ang kagustuhan ng kanyang asawa di ba?
Haaayyyy… opinion are clashing in my mind… ewan ko ba?
You see, I thought this movie will have a great impact in my life. For those who don’t know, I am a caregiver myself. But unlike the lead character in the movie, I am not working in a nursing home but on one particular house. I had the desire to watch the movie to see how real it could be and when I finally saw it, I can’t accept the reality that it shows.
I am a caregiver. Being which, I have a caregiver friends as well. Us are the real story of what happen into a caregivers life, of what’s going on in our head, in our heart and in our mind… Maybe from time to time, when theres a chance… as when the exhausted body seeks a restful day and a weary heart aspire for someone to listen, to understand, maybe by then I’ll share bits and pieces of memories of our experiences. Of the desires of our hearts. Of our ups and down.
Or maybe, of my own…
4 Comments
December 15, 2007 at 1:46 am (Kwento-kwento lang, Pelikulang napanood)

Hmmm… this movie got only two star among the movie commentator chuva… pero wala ako care… kasi, nag enjoy naman ako sa movie na ito sa kabila ng kakulitan ng pinsan ko na hindi mapakali sa upuan… Aliw na aliw ako sa kanilang awit ng “Christmas… Christmas… hula hoop…” well, yan lang kasi ang mga particular na salitang naalala ko sa kanta nila na nag hit agad sa masa…
Naaliw ako sa kakulitan ni Alvin, natuwa ako sa karakter ni Simon (tipong seryosong makulit), at na-touch ako sa sweetness ni Theodore. Even at my age, para akong musmos na batang nangangarap na sana totoong nag-e-exist ang tulad nila at makakasama ko at para kaming isang pamilya na nag-aalaga at nagpapahalaga sa bawat isa.
Iyon ang aral ng pelikulang ito, ang pagpapahalaga sa pamilya. Kung paanong itinuring ng tatlong chipmunks na pamilya o ama si Dave Seville. Dahil ang uri nila, kapag naipanganak na, matapos ang isang linggo ay iniiwan na sila ng magulang nila upang mamuhay sila ng independent sa kanila. Ipinakita nila na naghahanap sila ng kalinga ng magulang.
Naisip ko lang, bakit tayo kahit lagpas na sa 2/3 ng kalendaryo ang edad, tapos na ng kolehiyo at nagtatrabaho, hindi pa din pinalalaya ng ating magulang… merong mabuting dulot, merong masama… di ko na nais palawigin… sabi ko nga, naisip ko lang naman. ^_^
Super ok ang movie na ito at nakakatuwa talaga, that is, kung mababaw lang ang kaligayan nyo gaya ko.
Leave a Comment
December 9, 2007 at 12:18 am (Kwento-kwento lang, Pelikulang napanood)


Bumblebee & Optimus Prime
Ironhide & Jazz
Sorry lang po, now ko lang kasi napanood eh, anyways sobrang na-enjoy ko kasi ang movie kaya eto, kwento lang ako kung gaano ko siya na-enjoy…
Bago kami umalis, bago ko pa mabili ang fantasy novel na gusto ko ay ito ang aming pinapanood sa telebisyon, hindi ko ito nasimulan subalit nakuha niya ang aking atensiyon kaya naman napagkit na ako sa aking kinauupuan bago pa ako nasabihan ng aking tita na magbihis na at kami ay lalakad na. Kaya naman pag-uwi ng bahay at matapos isaayos ang maing pinamili, hinanap na muli namin kung anong oras magsisimula ang pelikualng ito sa PPV… at ikawalo nga ng gabi ay muli naming sinimulan ang panonood.
Para sa akin, mahusay naman ang pagkakaganap ni Shia LaBeouf bilang Sam Witwicky at Megan Fox bilang si Mikaela na kaibigan ni Sam. Labis akong naantig para sa naging kapalaran ni Bumblebee ng ma-capture siya ng Sector 7 at humanga kay Optimus Prime para sa pagsasakripisyong handa niyang gawin upang ma-extinguish ang Cube na siyang target ni Megatron.
Hmmm… hindi ako masyadong mahusay sa paghahanay ng mga salita, isa lang ang masasabi ko… nagustuhan ko talaga ang movie na ito.
(Images: nakuha ko po kay/sa weblog.404creative.com salamat po…)
Leave a Comment